Labis niyang iniisip kung sino ang tao sa likod ng mga walang habas na paglileak ng mga files mula sa kanilang kumpanya. Ayaw niyang isipin na si Drake iyon, hindi iyon kayang gawin ng kanyang boyfriend.Bahagya niyang itinulak si Asher, na masyado ng malapit sa kanya."Sir, wag nga kayong masyadong dumikit..""Bakit?" mapungay ang mga mata ng lalaki habang hindi natatakot sa kanya. Walang bahid pagkailang sa lalaki. Hinawakan nito ang kanyang isang kamay, saka ipinatong iyon sa dibdib nito, "dama mo ba ang tibok ng puso ko, Roselynn?" halos paos ang tinig na iyon.Parang tambol!Nanlaki ang mga mata ni Roselynn, ramdam ang init at tindi ng tibok ng dibdib ni Asher sa ilalim ng kanyang palad. Totoo—parang tambol, mabilis, malakas, at hindi maitago. Hindi niya alam kung dahil ba sa galit, kaba, o sa kakaibang emosyon na matagal nang nakatago sa likod ng malamig nitong anyo.“Sir…” halos hindi makalabas ang boses niya, nanginginig, habang pilit niyang binabawi ang kanyang kamay. “Wala ka
Huling Na-update : 2025-09-02 Magbasa pa