"Good evening, Sir Apollo. Nasa dining area na po sila Madam," bungad sa kanya ng isang kasambahay nang makarating siya sa mansyon.Humakbang siya patungo sa dining area. Malapit na siya nang maulinig niya ang mga boses galing doon. At mukhang siya lang yata talaga ang hinihintay dahil pagpasok niya ay kompleto na nga ang mga kapatid niya. Kasama ang mga girlfriend ng mga lalaking kapatid."Kuya's here!" Nakangiting anunsyo ng bunso niyang kapatid na si Venus.Dinaluhan ni Apollo ang kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Umupo naman na siya sa pwesto para makapag-umpisa na silang mag-dinner. At habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila, nililimitahan na i-topic ang tungkol sa negosyo dahil ayaw iyon ng kanyang mga magulang."Uuwi na pala ang anak ng Tita Matilde niyong si Cheska," maya-maya ay imporma ng ina sa kanila.Humigpit ang pagkakahawak ni Apollo sa hawak na kubyertos nang marinig niya ang pangalang binanggit ng kanyang ina.Out of the corner of his eye, he saw his sisters Ven
Terakhir Diperbarui : 2025-06-08 Baca selengkapnya