Share

Chapter 2

Penulis: E.C Molintas
last update Terakhir Diperbarui: 2025-06-08 21:38:12

Hindi pa nga tuluyang nakakapasok sa loob ng building si Maria nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bag niya.

Tumigil naman siya mula sa paglalakad para kunin ang cellphone sa loob ng bag para tingnan kung sino ang tumatawag. Napakunot naman niya ng noo nang makitang ang Mama ang tumatawag sa kanya.

Dali-dali naman niyang sinagot ang tawag nito.

"Hello?"

"Maria... anak."

Ganoon na lang ang naramdaman na kaba ni Maria nang marinig niya ang garalgal na boses ng kanyang ina mula sa kabilang linya.

"B-Bakit po, Ma?"

"P-Papunta kami sa ospital," sagot nito sa kanya.

Kumabog ang puso niya.

"Ano...po'ng nangyari kay Oscar, Ma?" tanong ni Maria dito. Ang bunsong kapatid agad ang naisip niya dahil sa kanilang magkakapatid ay ito ang may sakit.

May congenital Heart Disease kasi ang kapatid niya. Dahil sa sakit nito ay hindi na ito nakapag-aral. Home schooled na lang ito. At kaya din napagpasyahan ng ina na tumigil ito sa pagta-trabaho para mabantayan mabuti si Oscar.

"B-Bigla na lang siyang nag-seizure at nawalan ng malay," sagot nito sa kanya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-seizure ang kapatid at nawalan ng malay, maka-ilang beses na. Na-operahan na ito noong bata pa ito. Inutang pa nga nila ang perang ginamit nila sa pagbabayad sa bills nito sa ospital. At hanggang ngayon ay binabayaran pa nila, with interest pa.

At nitong makalipas na araw ay napapadalas muli ang seizure ng kapatid. At ang sabi nga ng doctor sa kanila ay kailangan ng heart transplant ng kapatid, nakapila na nga ito sa heart donor. At kailangan daw nilang maghandang malaking halaga para sa heart transplant nito kung sakaling may heart donor na ito.

"S-Saan ospital niyo po dadalhin si Oscar?" tanong niya.

Sinabi naman ng ina kung saan ospital dadalhin ng ina si Oscar. Sa isang public hospital.

"Hintayin niyo po ako diyan."

Hindi naman na niya hinintay na sumagot ang Mama niya, ibinaba na niya ang tawag. At sa halip na pumasok sa loob ng kompanya ay umalis siya doon. Padadalhan na lang niya ang boss niya ng text message kung bakit hindi siya makakapasok ngayong araw.

Pumara siya ng taxi at tumungo sa hospital. Nang makapagbayad ay agad siyang bumaba ng sinasakyan na taxi at agad siyang tumakbo papasok sa loob ng ospital.

Inilibot niya ang tingin sa paligid at agad niyang nakita ang kanyang ina na umiiyak habang kausap ang doctor.

"Ma," tawag niya sa atensiyon nito.

Lumingon naman sa kanya ang Mama niya. At mas lalo itong napaiyak nang makita siya.

"Maria, ang kapatid mo," wika nito ng tuluyan siyang nakalapit. Hinawakan niya ang likod ng ina at marahan iyong hinaplos.

Nang sandaling iyon ay nakakaramdam din siyang paghihina pero pilit na tinatatagan ni Maria ang loob. Hindi din kasi siya pwedeng panghinaan ng loob ng sandaling iyon. She needed to be strong, not just for her brother, but also for her mother.

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay sumulyap siya sa babaeng doctor na kausap ng Mama niya.

"Doc, kamusta po ang lagay ng kapatid ko?" tanong niya, nagpasalamat siya dahil hindi pumiyok ang boses.

"There's a good news and bad news," wika ng doctor sa kanya.

"The bad news is, mas lalong humina ang puso ng kapatid mo. She needs a heart transplant as soon as possible. At dahil kapag bumigay ang puso niya ay wala na tayong magagawa," wika nito sa masamang balita.

"Ma!" Mabilis naman niyang hinawakan ang ina nang maramdaman niya na muntik na itong matumba kung hindi lang naging mabilis ang reflexes niya.

"Okay lang po kayo, Misis?" tanong ng doctor sa Mama niya.

Umiling lang naman ang Mama niya bilang sagot.

"Maupo muna kayo."

Inalalayan naman ni Mariah ang ina para maupo sa monobloc chair na naroon. Hinaplos-haplos din nga niya ang likod nito para kumalma.

"O-Okay na po kayo, Ma?" tanong niya.

Isang tango lang naman ang isinagot nito sa kanya.

"Doc, ano po iyong good news na tinutukoy niyo?" tanong ng Mama niya sa doctor.

Inalis naman ni Maria ang tingin sa ina at nilingon niya sa doctor.

"The good news is, may nag-match na heart donor sa pasyente."

Nabuhayan si Maria nang loob ng marinig niya ang sinabi ng doctor. Kung may heart donor na ay pwede na itong ma-operahan, ibig sabihin ay gagaling na ang kapatid niya.

"Kailangan niyo nang ihanda ang malaking halaga para ma-operahan na agad ang bata," dagdag pa na wika nito.

Ilang sandali pa at nagpaalam na rin sa kanila ang doktor.

"Maria, anong gagawin natin? Saan tayo kukuha ng pera para sa kapatid mo?" bakas ang pag-aalala at paghihirap sa boses ng kanyang ina.

Hindi niya rin alam kung saan kukuha ng pera ng ganoong halaga sa maikling panahon lang.

"And I give you twenty million, Maria. You just need to marry me on paper," biglang pumasok sa isip ni Maria ang proposal sa kanya ni Apollo. Mukhang wala siyang choice kundi bawiin ang naging sagot niya dito sa proposal nito sa kanya.

***

Tumas ang isang kamay ni Maria para kumatok sa pinto ng opisina ni Apollo. Pero maya-maya ay naiwan sa ere ang kamay niyang kakatok sana sa pinto. Pero nang maalala ang kalagayan ng kapatid ay naglakas-loob na si Maria. Kumatok siya ng tatlong beses para ipaalam ang presensiya niya.

Hindi naman nagtagal ay narinig niya ang baritonong boses ni Apollo.

"Come in."

Humugot muna si Maria ng malalim na buntong-hininga bago niya pinihit ang seradura pabukas. Pagkatapos niyon ay pumasok siya sa loob. Agad namang tumuon ang tingin niya kay Apollo na ang atensiyon ay nasa harap ng laptop nito.

"G-Good morning, Sir," bati niya dito. Tumikhim siya para maalis ang bara sa lalamunan.

"Pwede ko po ba kayong ma-istorbo saglit, Sir. M-May gusto lang po akong sabihin," wika niya dito.

Sa pagkakataong iyon ay nag-angat ito ng tingin. At bigla na lang kumabog ang puso niya nang magtama ang mga mata nila. Apollo's face was void of emotion as their eyes met.

"What is it?" he asked in a low, baritone voice that was icy cold.

Napalunok naman siya habang pilit niyang sinasalubong ang itim na mga mata nito.

"O-Open... pa po ba 'yong p-proposal niyo?" tanong niya dito, medyo nahihiya.

He leaned back in his swivel chair, his intense gaze piercing through her. Her heart pounded harder as he fixed her with a piercing stare.

"Have you changed your mind?" he asked instead of answering her.

Hindi kasi tinanggap ni Maria ang gustong mangyari ni Apollo. Tumanggi siya sa gustong nitong mangyari na pakasalan niya ito. Para kasi sa kanya ay masyadong sagrado ang pagpapakasal. At ang pagpapakasal ay hindi parang business deal lang.

Pero mukhang kailangan niyang kalimutan ang paniniwala niyang iyon. She needed the money as soon as possible, and his proposal was the solution to their problems. Kailangan niya ng perang inaalok nito para ma-operahan ang kapatid niya. Para madugtungan ang buhay nito. Mahal na mahal niya ang kapatid at kung ang kalayaan niya ang kapalit para madugtungan ang buhay nito, ay gagawin niya.

Tumango naman si Maria bilang sagot.

"Is... your proposal still open, Sir?"

Hindi agad sumagot si Apollo sa tanong niya. Hindi naman niya napigilan ang pagbagsak ng balikat.

Sa hindi pagsagot ni Apollo sa kanya ay mukhang hindi na open ang proposal nito? Nahuli na ba siya? Nagbago na ba ang isip nito? O nakahanap na ito ng ibang babae na magpapanggap na asawa nito sa harap ng pamilya at ex-girlfriend nito?

Paano ang kapatid niya?

"The proposal is still avavailable, Maria," maya-maya ay sagot ni Apollo sa kanya. "Ikaw pa lang naman ang inaalok ko."

"But are you sure you're ready to accept my proposal? I don't want to force someone who's unwilling or feels pressured."

"H-handa na po ako, Sir. At hindi po ako napipilitan lang. Buo po ang desisyon ko na tanggapin ang proposal niyo," mabilis ang sagot niya.

"Take a seat," he said after a moment.

Mabilis naman niyang sinunod ang utos nito. Umupo siya sa visitor chair sa harap nito. Kumilos si Apollo at may kinuha ito sa drawer nito.

"Here," wika nito sabay abot sa kanya ng isang folder. Kahit nagtataka ay tinanggap iyon ni Maria. Tiningnan niya ang laman ng folder.

At hindi napigilan ni Maria ang manlaki ng mga mata nang makita kung ano ang laman ng folder. Marriage contract and the clauses of his proposal. She couldn't believe that Apollo was prepared, as if he was sure she would accept his proposal.

Sa dalawa ay mas natuon ang atensiyon niya sa Marriage Contract kung saan ay may pirma na ito.

"If you've made up your mind and agree to the terms of my proposal, you can sign the documents."

Binasa naman ni Maria ang clause ng proposal nito. Agree naman siya sa nakalagay doon kaya kinuha niya ang ballpen at saka na niya iyon pinirmahan.

"Do you have any question?" maya-maya ay tanong ni Apollo sa kanya.

Sa totoo lang ay marami siyang gustong itanong dito. Pero isinantabi muna niya iyon. May mas mahalaga pa siyang kailangan na unahin.

"Sir..."

"Apollo, Maria."

"Sir?"

"From now on, call me Apollo. Once I file our marriage contract, you'll be my legal wife. I'd like you to get used to it so it's not awkward for you to call me by my name when we're with my family."

"Sige, Apollo..." wika niya, hindi pa din talaga siya sanay na tawagin ito sa pangalan nito. "Pero..."

Saglit niyang kinagat ang ibabang labi. Bigla siyang nakaramdam ng hiya na sabihin dito ang kailangan niya.

"What?"

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga para kumuha ng lakas ng loob.

"P-Pwede ko po ba na i-advance na ang perang inalok niyo sa akin," wika ni Maria dito.

At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya, lalo na noong hindi agad sumagot si Apollo.

"I'll transfer the money to your bank account,," sagot nito maya-maya sa kanya.

"Thank you po, Sir. Huwag po kayong mag-alala, gagalingan ko pong magpanggap na asawa niyo sa harap ng pamilya at ng ex-girlfriend niyo."

Tumaas ang isang kilay nito. "Aasahan ko yan."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Temporary Mrs. Saldivar   Chapter 4

    "G-Gagawin din ba natin yung..." Nakagat ni Maria ang labi at hindi naituloy ang tanong.Nahihiya siyang itanong iyon sa boss niya!Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya. "Anong gagawin?"Pinagdikit niya ang ibabang labi. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namumula na ang magkabilang pisngi niya."Yung ano...""Speak clearly, Maria, so I can understand you." Halos mag-isang linya na ang kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya.Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago niya sinabi ang tanong sa isip niya. "S-Sex. G-Gagawin ba natin iyon? Kailangan din ba natin ng anak?" tanong niya, halos hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito. At mas lalo lang din yatang nag-init ang pisngi niya nang matapos niyang itanong iyon dito.Napansin niya na natigilan si Apollo sa naging tanong niya. Pero nang makabawi naman ito ng pagkabigla ay nagsalita ito. "No, Maria," sagot nito sa b

  • Temporary Mrs. Saldivar   Chapter 3

    As promised, Apollo transferred the offered amount to her account.Inakala ni Maria ay partial lang ang ita-transfer nito sa kanya pero nagulat siya nang i-check niya ang bank account at nakita niya ang balance niya. Tumatagingting na dalawampung milyon.First time na magkalaman ang bank account niya ng ganoong halaga. Gusto pa nga ni Maria na namnamin ang halagang iyon sa bank account niya. Pero naisip niya ang dahilan kung bakit mayroon siyang halagang ganoon—ang kapatid niyang si Oscar. Kaya noong may pera na siya ay dali-dali niyang tinawagan ang kanyang ina para sabihin dito na may pera na sila para sa heart transplant ng kapatid. At sinabi niya na ipa-schedule na ang operasyon nito.Tinanong naman siya ng kanyang ina kung saan niya kinuha ang pera. Sinabi na lang naman niya na pinautang siya ng boss niya nang sabihin niya dito ang sitwasyon ng kapatid. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ulit.At nang araw na din iyon ay naka-schedule na din ang operasyon ng kapatid sa s

  • Temporary Mrs. Saldivar   Chapter 2

    Hindi pa nga tuluyang nakakapasok sa loob ng building si Maria nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bag niya.Tumigil naman siya mula sa paglalakad para kunin ang cellphone sa loob ng bag para tingnan kung sino ang tumatawag. Napakunot naman niya ng noo nang makitang ang Mama ang tumatawag sa kanya.Dali-dali naman niyang sinagot ang tawag nito."Hello?""Maria... anak."Ganoon na lang ang naramdaman na kaba ni Maria nang marinig niya ang garalgal na boses ng kanyang ina mula sa kabilang linya."B-Bakit po, Ma?""P-Papunta kami sa ospital," sagot nito sa kanya.Kumabog ang puso niya."Ano...po'ng nangyari kay Oscar, Ma?" tanong ni Maria dito. Ang bunsong kapatid agad ang naisip niya dahil sa kanilang magkakapatid ay ito ang may sakit.May congenital Heart Disease kasi ang kapatid niya. Dahil sa sakit nito ay hindi na ito nakapag-aral. Home schooled na lang ito. At kaya din napagpasyahan ng ina na tumigil ito sa pagta-trabaho para mabantayan mabuti si Oscar.

  • Temporary Mrs. Saldivar   Chapter 1

    "Good evening, Sir Apollo. Nasa dining area na po sila Madam," bungad sa kanya ng isang kasambahay nang makarating siya sa mansyon.Humakbang siya patungo sa dining area. Malapit na siya nang maulinig niya ang mga boses galing doon. At mukhang siya lang yata talaga ang hinihintay dahil pagpasok niya ay kompleto na nga ang mga kapatid niya. Kasama ang mga girlfriend ng mga lalaking kapatid."Kuya's here!" Nakangiting anunsyo ng bunso niyang kapatid na si Venus.Dinaluhan ni Apollo ang kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Umupo naman na siya sa pwesto para makapag-umpisa na silang mag-dinner. At habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila, nililimitahan na i-topic ang tungkol sa negosyo dahil ayaw iyon ng kanyang mga magulang."Uuwi na pala ang anak ng Tita Matilde niyong si Cheska," maya-maya ay imporma ng ina sa kanila.Humigpit ang pagkakahawak ni Apollo sa hawak na kubyertos nang marinig niya ang pangalang binanggit ng kanyang ina.Out of the corner of his eye, he saw his sisters Ven

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status