공유

Chapter 3

작가: E.C Molintas
last update 최신 업데이트: 2025-06-08 22:37:30

As promised, Apollo transferred the offered amount to her account.

Inakala ni Maria ay partial lang ang ita-transfer nito sa kanya pero nagulat siya nang i-check niya ang bank account at nakita niya ang balance niya. Tumatagingting na dalawampung milyon.

First time na magkalaman ang bank account niya ng ganoong halaga. Gusto pa nga ni Maria na namnamin ang halagang iyon sa bank account niya. Pero naisip niya ang dahilan kung bakit mayroon siyang halagang ganoon—ang kapatid niyang si Oscar. Kaya noong may pera na siya ay dali-dali niyang tinawagan ang kanyang ina para sabihin dito na may pera na sila para sa heart transplant ng kapatid. At sinabi niya na ipa-schedule na ang operasyon nito.

Tinanong naman siya ng kanyang ina kung saan niya kinuha ang pera. Sinabi na lang naman niya na pinautang siya ng boss niya nang sabihin niya dito ang sitwasyon ng kapatid. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ulit.

At nang araw na din iyon ay naka-schedule na din ang operasyon ng kapatid sa susunod na araw. Iko-kondisyon pa kasi ang katawan nito bago operahan.

Humugot naman si Maria ng malalim na buntong-hininga bago tumaas ang isang kamay para kumatok ng tatlong beses sa pinto ng opisina ni Apollo para ipaalam ang presensiya niya.

"Yeah, come in."

She heard his baritone voice.

Pinihit niya ang seradura, binuksan niya iyon at saka siya pumasok sa loob ng opisina nito. Agad namang tumuon ang tingin ni Maria kay Apollo na nakaupo sa swivel chair nito. At mukhang inaabangan na nito ang pagpasok niya dahil agad na nagtama ang mga mata nila.

"Good morning po, Sir Apollo," bati ni Maria sa lalaki.

Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito.

"Why did I tell you?" wika naman nito sa kanya.

"Sir?" takang tanong niya, wala pa naman itong ini-instruct sa kanya kaya hindi niya alam kung ano ang sinabi nito.

"I told you, stop calling me Sir," he reminded her. "It's Apollo for you to get used to it," he added.

"Oh," sambit naman ni Maria. "Sorry, A-Apollo. Medyo hindi lang po kasi ako sanay," sagot niya.

"Kaya nga sinasanay ka," medyo may pagkamasungit na wika nito sa kanya.

"And don't use po when you are talking to me. I'm your husband now. Umakto ka na asawa ko, hindi bilang secretary."

Asawa na niya pala ito? Pwede na din ba niya itong pagalitan din kapag nagsu-sungit ito?

Lihim naman siyang napangiti sa isip niya.

"B-Bakit mo pala ako pinatawag?" maya-maya ay tanong ni Maria sa lalaki.

Sa halip na sagutin siya nito ay tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair. Nakita nga din niya ang pagdampot nito sa bond paper at ballpen sa ibabaw ng executive table.

Sinundan niya ito ng tingin nang maglakad ito palapit sa sofa na naroon sa loob ng opisina nito. Umupo ito doon, nakita nga din niya ang paglapag ni Apollo sa hawak nito sa ibabaw ng center table bago ito nag-angat ng tingin sa kanya.

"Come here, Maria," tawag nito sa kanya.

Humakbang naman siya dito.

Umupo naman siya doon. At hindi niya napigilan ang mapakagat sa ibabang labi nang maamoy niya ang mabangong amoy nito na nanunuot sa ilong niya.

Maria really liked the scent of his expensive perfume. Hindi kasi iyon masyadong matapang, sakto lang. At gustong-gusto niya iyong naamoy.

Nakita niyang dinampot nito ang isang coupon bond at ballpen at inabot nito iyon sa kanya. Nagtataka man ay tinanggap niya ang mga iyon. At hindi nga din sinasadyang nagdikit ang mga kamay nila nang kunin niya ang inaabot nito. At sa pagdidikit ng kamay nila ay may naramdaman siyang mainit na boltahe sa buong katawan niya.

Ano iyon?

At nang mag-angat siya ng tingin kay Apollo ay nakita niyang magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin ito sa kamay.

"I want you to list down the questions you want me to ask so I can get to know you better. And I'll do the same. Kailangan nating dalawa ito para mapaniwala ang mga magulang at ang ex-girlfriend ko na mag-asawa tayo," wika nito sa kanya kaya siya nito binigyan ng papel at ballpen para isulat doon ang gusto niyang itanong dito.

Tumango naman siya bilang sagot. Inalis niya ang tingin dito at itinuon ang atensyon sa hawak para umpisahan ang pinapagawa ni Apollo sa kanya.

At dahil may alam na siya ng tungkol sa personal nitong buhay, gaya na lang ng age at ang pamilya nito. Mga likes and dislikes na lang nito ang itatanong niya. Gaya na lang ng anong paborito nitong kulay, mga paborito nitong pagkain at mga disgusto. Sa sandaling iyon habang sinusulat niya ang mga iyon sa hawak na papel ay nangingiti. Para kasi siyang nagsusulat ng slambook.

Nag-isip muli siya ng gustong itanong.

Do you still love your ex?

Sinulat niya iyon, gusto kasi niyang malaman kung mahal pa ba din nito ang ex-girlfriend nito. Pero maya-maya ay in-erase din niya. Naisip niyang hindi na niya kailangang itanong dahil alam naman na niya ang sagot. Mahal pa din nito ang ex-girlfriend nito.

At ang huling tanong na isinulat niya doon ay kung anong endearment ang gusto nitong itawag nila sa isa't isa. Siyempre, kung gusto nitong mapaniwala ang pamilya at ang ex-girlfriend nito ay dapat sweet sila.

"Done?" tanong nito nang matapos siyang magsulat. "Tapos na ako."

Tumango naman siya.

"Let's exchange our paper," wika nito. Nagpalitan sila ng hawak na papel.

Akmang babasahin niya ang sinulat ni Apollo doon nang hindi na niya nagawa nang magsalita ito.

"I'll read first your question," wika nito. Tumango naman siya.

"What's my favorite color?" basa nito sa isinulat niya.

"It's blue and white," sagot nito.

Tinandaan naman niya ang mga sagot nito sa tanong niya.

"I don't have specific food that I like. I'll eat kung ano ang nasa hapag. Except for seafood. And, for your information, I have an allergy to it," sagot nito sa kanya.

Oh, may allergy si Apollo sa seafood pero iyon ang paborito niya kahit na bihira lang silang makatikim dahil mahal ang presyo.

Gayunman ay tinandaan pa din niya ang sinabi nito.

Pinagpatuloy nito ang pagbasa sa sinulat niya at sinasagot naman nito iyon ng maayos.

Maya-maya ay napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin ito sa papel na hawak.

"Anong itong in-erase mo?" tanong nito nang mag-angat ito ng tingin sa kanya.

"Ah... wala iyan," sagot naman niya dito dahilan para magsalubong ang mga kilay niya. Ayaw naman niyang sabihin dito ang ini-erase niya na gusto niyang malaman.

"The next question, please?" sabi niya kay Apollo.

Saglit na natili ang tingin nito sa kanya hanggang sa ibinalik nito ang tingin sa hawak na papel.

"Is this necessary?" tanong nito nang mabasa nito ang huling sinulat niya, salubong pa din ang mga kilay.

"Oo naman. Kailangan sa mag-asawa na may endearment sa isa't isa," wika niya.

"At sigurado din ako na may endearment ang mga magulang mo para sa isa't isa," dagdag pa na wika niya.

Hindi ito nagsalita pero base sa tinging pinagkakaloob nito ay mukhang naisip nitong kailangan iyon.

"Gusto mo bang mag-suggest ako?" suhestiyon niya nang hindi pa ito sumasagot, mukhang walang maisip na endearment. Mukhang walang ka-sweet-sweet sa katawan.

"Go ahead."

"Honeypie?"

Kumunot ang noo nito, mukhang hindi sang-ayon.

"Sweetypie?"

Mas lalong lumukot ang mukha nito. Kaya nag-isip pa siyang iba.

"Asawa ko? Love? Mahal? Sweetheart? Darling? Honey? Baby? Babe?" Lahat na lang yata ng maisip niyang pwedeng itawag nila ay binanggit niya.

"Dear—"

"I'll go with babe," putol nito sa sasabihin niya. "I think, babe is more suitable," wika nito sa malamig pero baritonong boses.

"Sigurado ka?"

"Yes," sagot nito bago nito ibinalik ang tingin sa hawak na papel para basahin kung may nakasulat pa ba siya doon.

"Okay, babe!" sambit naman niya.

At dahil nakatingin si Maria kay Apollo ay napansin niya na natigilan ito. Dahan-dahan na din itong nag-angat ng tingin sa kanya. And his piercing eyes fixed on her again.

Awkward naman na nginitian niya ito.

"P-Pasensiya... Nagpa-practice lang ako," paliwanag niya.

이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • Temporary Mrs. Saldivar   Chapter 4

    "G-Gagawin din ba natin yung..." Nakagat ni Maria ang labi at hindi naituloy ang tanong.Nahihiya siyang itanong iyon sa boss niya!Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya. "Anong gagawin?"Pinagdikit niya ang ibabang labi. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namumula na ang magkabilang pisngi niya."Yung ano...""Speak clearly, Maria, so I can understand you." Halos mag-isang linya na ang kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya.Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago niya sinabi ang tanong sa isip niya. "S-Sex. G-Gagawin ba natin iyon? Kailangan din ba natin ng anak?" tanong niya, halos hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito. At mas lalo lang din yatang nag-init ang pisngi niya nang matapos niyang itanong iyon dito.Napansin niya na natigilan si Apollo sa naging tanong niya. Pero nang makabawi naman ito ng pagkabigla ay nagsalita ito. "No, Maria," sagot nito sa b

  • Temporary Mrs. Saldivar   Chapter 3

    As promised, Apollo transferred the offered amount to her account.Inakala ni Maria ay partial lang ang ita-transfer nito sa kanya pero nagulat siya nang i-check niya ang bank account at nakita niya ang balance niya. Tumatagingting na dalawampung milyon.First time na magkalaman ang bank account niya ng ganoong halaga. Gusto pa nga ni Maria na namnamin ang halagang iyon sa bank account niya. Pero naisip niya ang dahilan kung bakit mayroon siyang halagang ganoon—ang kapatid niyang si Oscar. Kaya noong may pera na siya ay dali-dali niyang tinawagan ang kanyang ina para sabihin dito na may pera na sila para sa heart transplant ng kapatid. At sinabi niya na ipa-schedule na ang operasyon nito.Tinanong naman siya ng kanyang ina kung saan niya kinuha ang pera. Sinabi na lang naman niya na pinautang siya ng boss niya nang sabihin niya dito ang sitwasyon ng kapatid. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ulit.At nang araw na din iyon ay naka-schedule na din ang operasyon ng kapatid sa s

  • Temporary Mrs. Saldivar   Chapter 2

    Hindi pa nga tuluyang nakakapasok sa loob ng building si Maria nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bag niya.Tumigil naman siya mula sa paglalakad para kunin ang cellphone sa loob ng bag para tingnan kung sino ang tumatawag. Napakunot naman niya ng noo nang makitang ang Mama ang tumatawag sa kanya.Dali-dali naman niyang sinagot ang tawag nito."Hello?""Maria... anak."Ganoon na lang ang naramdaman na kaba ni Maria nang marinig niya ang garalgal na boses ng kanyang ina mula sa kabilang linya."B-Bakit po, Ma?""P-Papunta kami sa ospital," sagot nito sa kanya.Kumabog ang puso niya."Ano...po'ng nangyari kay Oscar, Ma?" tanong ni Maria dito. Ang bunsong kapatid agad ang naisip niya dahil sa kanilang magkakapatid ay ito ang may sakit.May congenital Heart Disease kasi ang kapatid niya. Dahil sa sakit nito ay hindi na ito nakapag-aral. Home schooled na lang ito. At kaya din napagpasyahan ng ina na tumigil ito sa pagta-trabaho para mabantayan mabuti si Oscar.

  • Temporary Mrs. Saldivar   Chapter 1

    "Good evening, Sir Apollo. Nasa dining area na po sila Madam," bungad sa kanya ng isang kasambahay nang makarating siya sa mansyon.Humakbang siya patungo sa dining area. Malapit na siya nang maulinig niya ang mga boses galing doon. At mukhang siya lang yata talaga ang hinihintay dahil pagpasok niya ay kompleto na nga ang mga kapatid niya. Kasama ang mga girlfriend ng mga lalaking kapatid."Kuya's here!" Nakangiting anunsyo ng bunso niyang kapatid na si Venus.Dinaluhan ni Apollo ang kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Umupo naman na siya sa pwesto para makapag-umpisa na silang mag-dinner. At habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila, nililimitahan na i-topic ang tungkol sa negosyo dahil ayaw iyon ng kanyang mga magulang."Uuwi na pala ang anak ng Tita Matilde niyong si Cheska," maya-maya ay imporma ng ina sa kanila.Humigpit ang pagkakahawak ni Apollo sa hawak na kubyertos nang marinig niya ang pangalang binanggit ng kanyang ina.Out of the corner of his eye, he saw his sisters Ven

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status