"G-Gagawin din ba natin yung..." Nakagat ni Maria ang labi at hindi naituloy ang tanong.
Nahihiya siyang itanong iyon sa boss niya!
Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya. "Anong gagawin?"
Pinagdikit niya ang ibabang labi. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namumula na ang magkabilang pisngi niya.
"Yung ano..."
"Speak clearly, Maria, so I can understand you." Halos mag-isang linya na ang kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya.
Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago niya sinabi ang tanong sa isip niya. "S-Sex. G-Gagawin ba natin iyon? Kailangan din ba natin ng anak?" tanong niya, halos hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito. At mas lalo lang din yatang nag-init ang pisngi niya nang matapos niyang itanong iyon dito.
Napansin niya na natigilan si Apollo sa naging tanong niya. Pero nang makabawi naman ito ng pagkabigla ay nagsalita ito. "No, Maria," sagot nito sa baritonong boses. "But I think we need to kiss sometimes, especially in front of my family."
"Sa pisngi?"
"Sa lips, Maria," sagot nito. "Pero gagawin lang natin iyon kapag kailangan," dagdag pa na wika nito sa kanya.
Hindi naman napigilan ni Maria na bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi ni Apollo.
Ibig sabihin? Matitikman niya ang labi nito? Gaya na lang ng pinapangarap ng ilang kababaihan na nagta-trabaho sa kompanya nito?
Mayamaya ay narinig niya ang pagtikhim ni Apollo. At hindi niya ulit napigilan ang pamulahan ng mukha nang ma-realize na nakatitig pala siya sa labi nito.
And Apollo sees that!
Hinintay muna ni Maria na humupa ang pag-iinit ng pisngi bago siya nag-angat ng tingin kay Apollo. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niyang walang kakaiba siyang nakita sa ekspresyon ng mukha nito o wala lang talaga siyang mabasa dahil madalas ay blanko ang ekspresyon ng mukha ni Apollo.
"Kailangan po tayo magli-leave in?"
Hindi pa talaga siya sanay na tawagin itong Apollo lang. Napansin ni Maria ang pagtaas nito ng isang kilay. "Ang... ibig ko pa lang sabihin ay kailangan ako lilipat sa penthouse mo?" pagtatama niya sa naging tanong niya.
"Your room at my penthouse is ready, Maria. You can move in tomorrow," sagot nito na ikinakurap-kurap ng kanyang mga mata.
Bilib talaga siya kay Apollo dahil bago yata siya nito kausapin ay handa na ito in advance. Gaya na nga lang alukin siya nito na maging asawa nito dahil noong pumayag siya ay ready na ang lahat. Pirma na lang niya ang kulang.
"Bukas?" ulit na wika niya.
"Why? Do you want it now?" he asked, his eyes fixed on hers.
Unconsciously, she moistened her lower lip with her tongue. At dahil nakatingin siya dito ay napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya. Napansin niya ang paggalaw ng adam's apple ni Apollo at ang pagsandal nito sa kinauupuan nitong swivel chair.
"Masyadong mabilis, magpapaalam pa ako sa magulang ko," mayamaya ay sagot niya sa lalaki. At hindi siya pwedeng umalis agad sa bahay nila dahil kailangan din munang magpaalam sa mga kapatid niya, lalo na si Oscar na siguradong hahanapin siya.
"Okay. Kailan mo gusto?"
Nag-isip naman siya ng isasagot. "Pwedeng next week na lang? Magpapaalam pa ako at mag-iisip pa ako ng dahilan kung ano ang sasabihin ko sa kanila."
Napansin ni Maria ang pagkunot ng noo ni Apollo. "Bakit ka pa mag-iisip ng idadahilan mo? You can tell your family straight out that we're married. It's only fitting that you live with your husband."
"Hindi pwede," mabilis na sagot niya.
Tinaasan naman siya nito ng isang kilay. "And why is that?"
"Magugulat ang mga iyon, lalo pa at alam nilang boss kita. At baka makarating sa kapitbahay namin, pag-isipan pa ako ng masama. Baka isipin nila na inakit kita."
Minsan may pang-inggetera kasi ang mga kapitbahay nila. Kapag may makitang bago sa kanila ay pag-iisipan na sila ng masama.
Napansin niya ang pag-isang linya ng mga kilay nito. "Sabihin mo na ako ang umakit sa 'yo."
"Hindi naman maniniwala ang mga iyon," pag-amin niya sa mahinang boses, pero alam niyang narinig nito iyon.
"And why is that again?"
"Dahil alam nilang hindi mangyayari iyon kaya hindi sila maniniwala," sagot niya, hindi pa din nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kasi alam nilang hindi mo magugustuhan ang isang tulad ko, Apollo. Mahirap lang kami. At sobrang yaman niyo. Langit ka," itinaas niya ang kamay para i-emphasize ang agwat nila at saka niya ibinaba ang nakataas na kamay. "At lupa ako. Tanging pagmamahalan lang ng pamilya ko ang maipagmamalaki ko. At wala naman espesyal sa akin. Iisipin lang nila na baka inakit o ginayuma kita kaya mo ako pinakasalan," pagpapaliwanag niya.
Sa pagkakataong iyon ay napansin niya ang pagdilim ng ekspresyon ng mga mata nito nang matapos siyang magsalita.
"And do you think I think like that? Do you think I care about a person's social status? Na kapag magmamahal o pipili ako ng makakasama habang buhay ay dapat ba sa kapareho ng estado ng buhay ko?" malamig ang boses na wika nito.
Bumuka-sara ang bibig ni Maria sa sinabi nito. Wala siyang mahanap sa boses na isasagot kay Apollo. Mukha yatang na-offend niya ito.
"You underestimate me, Maria. I'm not that kind of man. I don't look at a woman's social status. I look at her character. And if I want to fall in love again, I want to fall in love with good character, not because she's rich or a member of high society."
Kinagat ni Maria ang ibabang labi. Mukha yatang na-offend talaga niya si Apollo dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya narinig na nagsalita ito ng mahaba.
He's a man of few words, though.
"G-Gagawin din ba natin yung..." Nakagat ni Maria ang labi at hindi naituloy ang tanong.Nahihiya siyang itanong iyon sa boss niya!Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya. "Anong gagawin?"Pinagdikit niya ang ibabang labi. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namumula na ang magkabilang pisngi niya."Yung ano...""Speak clearly, Maria, so I can understand you." Halos mag-isang linya na ang kilay ni Apollo habang nakatingin sa kanya.Humugot muna siya ng malalim na buntonghininga bago niya sinabi ang tanong sa isip niya. "S-Sex. G-Gagawin ba natin iyon? Kailangan din ba natin ng anak?" tanong niya, halos hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito. At mas lalo lang din yatang nag-init ang pisngi niya nang matapos niyang itanong iyon dito.Napansin niya na natigilan si Apollo sa naging tanong niya. Pero nang makabawi naman ito ng pagkabigla ay nagsalita ito. "No, Maria," sagot nito sa b
As promised, Apollo transferred the offered amount to her account.Inakala ni Maria ay partial lang ang ita-transfer nito sa kanya pero nagulat siya nang i-check niya ang bank account at nakita niya ang balance niya. Tumatagingting na dalawampung milyon.First time na magkalaman ang bank account niya ng ganoong halaga. Gusto pa nga ni Maria na namnamin ang halagang iyon sa bank account niya. Pero naisip niya ang dahilan kung bakit mayroon siyang halagang ganoon—ang kapatid niyang si Oscar. Kaya noong may pera na siya ay dali-dali niyang tinawagan ang kanyang ina para sabihin dito na may pera na sila para sa heart transplant ng kapatid. At sinabi niya na ipa-schedule na ang operasyon nito.Tinanong naman siya ng kanyang ina kung saan niya kinuha ang pera. Sinabi na lang naman niya na pinautang siya ng boss niya nang sabihin niya dito ang sitwasyon ng kapatid. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa ulit.At nang araw na din iyon ay naka-schedule na din ang operasyon ng kapatid sa s
Hindi pa nga tuluyang nakakapasok sa loob ng building si Maria nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone na nasa bag niya.Tumigil naman siya mula sa paglalakad para kunin ang cellphone sa loob ng bag para tingnan kung sino ang tumatawag. Napakunot naman niya ng noo nang makitang ang Mama ang tumatawag sa kanya.Dali-dali naman niyang sinagot ang tawag nito."Hello?""Maria... anak."Ganoon na lang ang naramdaman na kaba ni Maria nang marinig niya ang garalgal na boses ng kanyang ina mula sa kabilang linya."B-Bakit po, Ma?""P-Papunta kami sa ospital," sagot nito sa kanya.Kumabog ang puso niya."Ano...po'ng nangyari kay Oscar, Ma?" tanong ni Maria dito. Ang bunsong kapatid agad ang naisip niya dahil sa kanilang magkakapatid ay ito ang may sakit.May congenital Heart Disease kasi ang kapatid niya. Dahil sa sakit nito ay hindi na ito nakapag-aral. Home schooled na lang ito. At kaya din napagpasyahan ng ina na tumigil ito sa pagta-trabaho para mabantayan mabuti si Oscar.
"Good evening, Sir Apollo. Nasa dining area na po sila Madam," bungad sa kanya ng isang kasambahay nang makarating siya sa mansyon.Humakbang siya patungo sa dining area. Malapit na siya nang maulinig niya ang mga boses galing doon. At mukhang siya lang yata talaga ang hinihintay dahil pagpasok niya ay kompleto na nga ang mga kapatid niya. Kasama ang mga girlfriend ng mga lalaking kapatid."Kuya's here!" Nakangiting anunsyo ng bunso niyang kapatid na si Venus.Dinaluhan ni Apollo ang kanyang ina at hinalikan ito sa pisngi. Umupo naman na siya sa pwesto para makapag-umpisa na silang mag-dinner. At habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila, nililimitahan na i-topic ang tungkol sa negosyo dahil ayaw iyon ng kanyang mga magulang."Uuwi na pala ang anak ng Tita Matilde niyong si Cheska," maya-maya ay imporma ng ina sa kanila.Humigpit ang pagkakahawak ni Apollo sa hawak na kubyertos nang marinig niya ang pangalang binanggit ng kanyang ina.Out of the corner of his eye, he saw his sisters Ven