Pagdating nila sa Luceros Mansion, hindi maiwasan ni Nica na mapanganga. Malawak ang hardin, puno ng mga mamahaling sasakyan sa garahe, at bawat sulok ng mansion ay kumikislap sa sobrang linis at ganda. Parang ibang mundo.Habang binabaybay nila ang hallway, hawak siya sa braso ni Agnes, halos hindi ito bumibitaw. Si Gerald naman ay nakasunod, proud na proud na ipapakita sa kanilang tunay na anak ang lahat ng mayroon sila.“Nica, anak,” wika ni Agnes na puno ng ngiti, “from now on, this is your home. Hindi mo na kailangang bumalik sa mga panahong naghirap ka. You deserve all of this.”Tahimik lang si Nica, pilit na pinapakalma ang sarili. Nang makita niya ang engrandeng hagdanan at chandelier na tila kumikislap sa ibabaw, napaisip siya—lahat ng ito, inagaw sa kaniya noon ni Camilla. Ngayon, may pagkakataon na siyang bawiin.Hinatid siya ng mag-asawa sa silid na inihanda para sa kaniya. Pagbukas ng pinto, bumungad ang malambot na kama na may puting kobre kama, mamahaling kurtina, mga m
Última actualización : 2025-09-25 Leer más