Ni-report na nina Nica at Rafael ang pagkawala ni Manang Pilar. Hindi na sila mapakali mula pa kaninang umalis ang mga pulis na may dalang si Camilla papunta sa presinto. Kahit nakaposas na ito at tuluyang inimbestigahan, hindi pa rin mapalagay ang kalooban ni Nica. May kutob siyang hindi pa tapos ang lahat. Sa presinto, nakaupo si Camilla sa loob ng interrogation room. Tahimik, malamig ang mga mata, ngunit bakas ang kaba sa paraan ng kanyang paghinga. Ilang pulis na ang nagtanong sa kanya, pero iisa lang ang sagot niya sa lahat. “I didn’t do anything wrong,” mariin niyang sabi, paulit-ulit, halos bumaon na sa bibig ang mga salitang iyon. “Hindi ko alam kung bakit ako pinararatangan. I didn’t steal, and I didn’t hurt anyone.” “Miss Luceros,” sabi ng imbestigador, pagod na ang tono. “May mga litrato, may mga dokumento. At ngayon, may isa pang report—nawawala raw si Manang Pilar, ang taong kumuha ng mga larawan. Hindi mo ba talaga alam kung nasaan siya?” Tiningnan ni Camilla ang puli
Última actualización : 2025-10-07 Leer más