Impyerno? “Elite 001, Janzel Vien—Navarro, identity clarified.” bigla ay may nagsalita. Hindi ko alam kung saan iyon nanggagaling. Hindi malinaw ang boses na iyon at 'tila galing sa radyo, iyong walkie-talkie. Nilingon ko ulit ang bubwit na kasama ko, na ngayon ay mukhang nakahinga na ng maluwag at bumabalik na ang kulay sa kanyang mukha. Hinawakan niya ang kamay ko at itinaas ito. “Vien, 001, over.” saad niya. Nagtataka ko syang tinignan, wala akong maintindihan sa nangyayari! Ngunit imbes na sagutin ako ay sinenyasan akong 'wag magsalita. Naitikom ko tuloy ang aking bibig at inirapan siya. Inismiran niya lang ako at nag-iintay sa susunod na magsasalita. “Entrance, Vien.” isang pamilyar na boses iyong narinig ko. “S-Class, Javi, over.”Fuck, I knew it! “Miyembro ka ng mga Navarro?!” salubong ang kilay na tanong ko sa kanya. I already suspected he is, pero nakakagulat pa rin ito! Hindi ko pa kayang harapin si Javi, ayoko syang makita. Iyong bubwit, si Vien, ay mukhang nabasa
Last Updated : 2025-06-19 Read more