**AIRA’S POINT OF VIEW**Kahit anong iwas, kahit gaano ko pa gustong lumayo, palaging bumabalik ang bangungot sa buhay ko—siya. Si Calvin. Kahit anong sakit na ang tiniis ko, kahit ilang ulit na akong winasak, naroon pa rin siya para durugin ang natitirang piraso ng pagkatao ko.Isang maulan na hapon, nakaupo lang ako sa gilid ng kama, hawak ang tasa ng mainit na salabat na pilit kong iniinom kahit halos wala na akong panlasa. May kumatok sa pinto. Mahina lang, pero sapat para kumabog ang dibdib ko. Wala namang ibang dumadalaw sa’kin. Wala namang nag-aalala. Kaya sino pa nga ba ang pwede?Pagbukas ko ng pinto, tumigil ang mundo ko.Si Calvin. Basang-basa sa ulan, suot ang itim niyang coat at nakaayos pa rin gaya ng dati—malinis, maangas, malamig. Walang emosyon sa mukha niya. Walang kahit anong pakiramdam na pwedeng panghawakan. Tinitigan lang niya ako na para bang hindi ako buntis, hindi ako babae niyang minahal noon, kundi isa na lang akong subject sa kaso niya.“Magbihis ka,” malam
Terakhir Diperbarui : 2025-06-25 Baca selengkapnya