**AIRA'S POINT OF VIEW**Sabi nila, kapag mahal mo, ipaglaban mo. Kahit masakit. Kahit nakakatanga. Kaya kahit paulit-ulit akong nasasaktan, kahit paulit-ulit niya akong tinutulak palayo, pilit pa rin akong kumakapit. Kasi iniisip ko, baka kailangan lang niya ng oras. Baka galit lang siya. Baka bukas, makausap ko na siya. Baka bukas, maalala niya na asawa niya pa rin ako.Kaya eto ako, hawak ang lunchbox na niluto ko magdamag. Yung paborito niyang beef salpicao, may garlic rice, tsaka mango float na minartilyo ko pa talaga ng yelo para malamig pa rin pagdating ko. Alas-onse pa lang ng umaga, nasa labas na ako ng Villamonte Industries. Nahihiya ako, oo, pero mas matimbang ‘yung pag-asang baka this time, pakinggan na niya ako.Pagdating ko sa lobby, pinigilan ako agad ng receptionist.“Ma’am, do you have an appointment with Mr. Villamonte?” tanong niya na may halong kaba. Mukhang kilala na niya ako.“Wala,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Asawa niya ako.”Nagtinginan yung ibang staff. May i
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya