**AIRA’S POINT OF VIEW**Kinabukasan ng umaga, maaga akong bumangon. Wala pa ring tulog, pero sanay na ako. Kahit ilang gabi nang puyat, kahit ilang gabi nang tuloy-tuloy ang iyak ko, parang hindi na bago sa katawan ko ang pagod at sakit. Bumaba ako para maghanda ng almusal, kahit wala rin namang kasiguruhan kung kakain siya o itatapon na naman niya ang lahat. Pero siguro parte ‘yon ng pag-asang natitira sa’kin—‘yung kahit isang sulyap man lang ng dati niyang sarili, makita ko ulit.Habang nagluluto ako ng itlog at sinangag, narinig kong bumukas ang pinto sa taas. Mabigat ang hakbang niya pababa, parang galit na naman siya. Hindi ko alam kung bakit, pero araw-araw na lang parang kasalanan ko ang huminga.Paglapit niya sa dining table, hindi siya tumingin sa pagkain. Dumiretso siya sa upuan, nilapag ang dalang folder, at saka ako tinitigan.“Ano ‘yan?” tanong ko, tahimik lang, habang pinipilit na hindi mabasag ang boses ko.“Sit,” utos niya, malamig.Sumunod ako. Umupo ako sa tapat niy
Terakhir Diperbarui : 2025-06-18 Baca selengkapnya