LOGINHanggang saan ang kakayanin mong tiisin? Kung paulit-ulit na pinapamukha sayo ng taong mahal mo na isa kang babaing walang dignidad? Na babaing tinikman ng lahat ng lalaki? Kaya mo bang tiisin ang pagmamahal sa taong hindi kana kayang mahalin dahil lang sa isang pagkakamali?
View More**AIRA POV**Walang araw na lumilipas na hindi ko tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkamali. Paulit-ulit kong iniisip kung saan ko siya hindi naintindihan, kung saan ko siya nasaktan, kung anong pagkukulang ko bilang asawa. Sa dami ng tanong, wala akong makuhang sagot—puro lang sakit, puro lang luha, puro lang takot.Pero ngayong araw, iba.Dahil ngayon, napuno na ako.Tumigil na ang katahimikan ko. Natabunan na ng mga sugat na hindi ko na maitago. Sapat na ang bawat gabi ng pag-iyak sa unan, sapat na ang mga umagang pinipilit kong ngumiti kahit wala nang dahilan. Ngayon, hindi na ako magpapakain sa galit niyang hindi ko naman kasalanan.Tumayo ako mula sa sahig kung saan ako nakaluhod kanina habang pinupulot ang basag na laptop. Nilinis ko ang mukha kong basang-basa ng luha, pinunasan ang punit-punit kong dignidad, at dahan-dahang lumakad palabas ng kwarto.Ramdam ko pa ang panginginig ng binti ko habang bumababa ng hagdan pero pinilit ko. Dahan-dahan akong lumapit sa study ni
**AIRA POV**Hindi ko inasahan na aabutin niya ako. Akala ko ligtas ang araw na ’yon. Maingat akong kumilos. Maingat kong itinago ang mga papel. Hindi ako nag-iwan ng kahit anong bakas. Lahat ng email, dinelete ko agad. Lahat ng call history, tinanggal ko. Pero mali ako. Sa bahay na ito, kahit huminga ka ng ibang paraan, alam niya.Maaga akong gumising para magpadala ng email sa abogado ko. Isang USB ang hawak ko, nandoon ang mga picture ng mga dokumentong pinapirmahan niya sa’kin nung may sakit ako. Isa lang ang goal ko: malaman kung legal pa ba ang pagkakatira ko sa bahay na ‘to, at kung may karapatan pa ba ako sa mga gamit, lupa, o kahit man lang sa sarili kong pangalan.Walang kaabog-abog, habang nagsusulat ako ng email, bumukas ang pinto ng kwarto ko. Napalingon ako, agad kong tinakpan ang laptop.Calvin.Nakatayo siya sa pintuan, suot ang itim niyang long sleeves na laging amoy mamahaling pabango. Pero wala akong naramdamang kilig. Lahat ng meron lang, takot.“Anong ginagawa mo?
**AIRA POV**Tahimik ang buong bahay habang nakaupo ako sa gilid ng kama. Hawak ko ang maliit na papel kung saan nakasulat ang pangalan ng isang abogadang ni-refer ng isang dating kakilala. Mula sa cellphone kong luma na’t may lamat ang screen, paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ng contact. Ilang ulit ko na siyang tinawagan sa isip ko pero hindi ko pa rin maipindot ang call button.Takot.Oo, takot akong malaman ang totoo. Takot akong marinig kung gaano na ako kawala sa sarili kong buhay. Pero mas takot akong tuluyang mamatay sa piling ng lalaking dati kong minahal nang buo pero ngayo’y tinitingnan lang ako na parang wala akong kwenta.Lumalim ang buntong-hininga ko. Wala na akong pwedeng balikan. Hindi ko na rin kayang umasa kay Calvin. Sa lahat ng ginawa niya—pagbaba ng tingin sa akin, pagdadala ng mga babae sa mismong bahay namin, pagpilit sa akin na pirmahan ang mga papeles kahit may sakit ako, at ang walang puso niyang pananatiling tahimik habang unti-unti akong nauubos—alam
**CALVIN POV**Hindi ko inaasahan na babalik pa si Lianne. Isa siya sa mga babae kong ginamit. Literal. Isa sa mga babaeng pumasok lang sa bahay para magpanggap na kasiyahan ko, para saktan si Aira, para may masabi ang mga tao sa paligid na hindi ko na siya pinapahalagahan.Sa totoo lang, hindi ko na maalala kung ilang babae na ang dinala ko rito. Lahat sila, walang pangalan sa akin. Wala silang kahulugan. Lahat sila, kasangkapan lang sa plano kong sirain si Aira—yung sakit na dinulot niya, gusto kong ibalik ng doble.Pero iba si Lianne. Hindi dahil espesyal siya, kundi dahil siya ang una at kaisa-isang babaeng binalikan ko kahit isang beses lang. Hindi ko alam kung dahil ba sa tahimik siya o dahil hindi siya tulad ng iba na puro landi at papansin. Pero nung gabing ‘yon na dumaan siya sa bahay, akala ko isa lang ulit siyang distraction. Wala. Walang kwenta. Pansamantalang aliw lang sa panahong puno ako ng galit.Pero hindi ko inaasahan ang mga salitang binitiwan niya.Nasa study ako n
**AIRA’S POINT OF VIEW**Mag-aalas dose na ng gabi. Tahimik ang buong bahay maliban sa mahinang tunog ng aircon sa kwarto. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga, bitbit ang labahin na naiwan ko kaninang hapon. Hindi ko na sana babalikan, pero may mga damit ni Calvin na kailangang plantsahi
**AIRA'S POINT OF VIEW**Simula nung gabing ‘yon, parang may namatay sa loob ng bahay namin. Si Calvin? Hindi ko na siya maramdaman. Wala na ‘yung lalaking kahit kailan hindi ako pinabayaan. Wala na ‘yung ngiti niya sa tuwing umuuwi siya galing trabaho, wala na rin ‘yung mga yakap niya bago kami ma
**AIRA'S POINT OF VIEW**Sabi nila, kapag mahal mo, ipaglaban mo. Kahit masakit. Kahit nakakatanga. Kaya kahit paulit-ulit akong nasasaktan, kahit paulit-ulit niya akong tinutulak palayo, pilit pa rin akong kumakapit. Kasi iniisip ko, baka kailangan lang niya ng oras. Baka galit lang siya. Baka buk
AIRA'S POINT OF VIEWNgumiti ako kahit ang sakit-sakit.Wala pa ring tulog. Ilang oras na akong gising, nakatulala sa kisame ng kwartong minsang naging kanlungan ko pero ngayon parang kulungan. Wala nang lambing. Wala nang pag-ibig. Wala na kaming dalawa.Pero kahit gano’n, tumayo pa rin ako. Nilab












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews