Humingi ng simpatya si Sandra sa Mama at Papa ni Aella noong dumaan ito sa tabi nila. Umungos ito. "Tito, Tita, tingnan niyo naman ang anak niyo oh, bata pa s'ya pero wala ng buhay, sayang naman ang beauty niya kung ganito na lang siya palagi!" Awtomatikong sumang-ayon si Clarissa. "Sa palagay ko tama ang suhestyon ni Sandra, 'nak. Palagi kang subsob sa trabaho pero kailangan mo rin mag-relax at i-enjoy ang buhay, 'no? Habang buhay ka na lang ba magpapa-stress? You didn't deserve to suffer like this. Isipin mo naman ang sarili mo. "Sumama ka na, siguradong mawawala ang stress mo. Saka, matagal na akong di umiipon ng litrato mo na para sana sa photo albums. Ilang taon kang walang litrato, nabubulok na ang mga 'yon sa bahay!" segunda ni William, nasa tono ang kalungkutan. Sa takot niya na baka mag-aalala muli ang Mama niya tungkol sa kasal niya, kaya pinagbigyan n'ya si Sandra. "Okay, okay, pupunta po ako." Gumuhit ang banayad na ngiti sa mga labi ng mga ito. Matagumpay namang ngumisi
Terakhir Diperbarui : 2025-07-26 Baca selengkapnya