"May nangyari ba'ng masama sa'yo, Betty? Sabihin mo ang totoo," nag-aalalang tanong ni Helen nang makaramdam s'ya ng masama. Tumugon agad ito. "W-Wala, kaka-resign ko lang at balak kong umuwi kami ni Nnay sa probinsiya. Maayos na kasi ang kalagayan niya ngayon, kaso kailangan niya ng sariwang hangin. Hindi na rin ako gipit ngayon." Sumikip ang dibdib ni Aella nang marinig ito. Nangangamba s'ya na baka nahuli ito ni Theodore at sinisante sa trabaho. Saka nangangailangan din ng malaking pera para gumaling ang ina nito at dapat may stable job din na pwedeng pagkukunan ng income. "H'wag ka munang umuwi, Betty. Magkita tayo bukas at pag-usapan natin ito," sabad niya. Natameme ang babae sa kabilang linya. "M-Ma'am Aella?" "Oo, ako nga," nakangiti niyang saad. "Malaki ang tinulong mo sa akin pero nawalan ka ng trabaho na hindi mo man lang sinabi. This is not fair, you know?" Namayani ang katahimikan ng ilang saglit. "Pumunta ka rito sa apartment ko bukas gaya ng sinabi. Ise-send
Terakhir Diperbarui : 2025-07-29 Baca selengkapnya