"Butler Sev, bakit naka-lock ang pinto ng study room?" tanong niya sa butler nang masalubong ito. Saglit itong tumahinik, ginulong ang mata at tinapik ang hita. Tila may tinatago. Sumibol ang kakaibang kutob sa puso niya. "Ah, pasensiya na ko kung hindi ko kayo inimporma," maingat nitong saad," pinag-uutos po ni Sir na isarado ang pinto dahil sa mga mahahalaga at maselan na dokumento. Aniya, kung hindi kayo employado ng kompanya, mas mabuting hindi niyong gagalawin." Mahina siyang suminghap sabay kuyom ng mga palad. Lumakass ang duda niya. Takot ba itong guluhin niya ang business nito o baka takot itong nakawin n'ya ang pinoprotektahan nitong sekreto ng kompanya? Ilang araw na siyang wala doon... ano ba gusto nitong ipakita? Pinigilan niyang humalakhak. Sino ba siya sa inaakala nito? Magnanakaw? Kapal ng mukha. Lalong tumindi ang asar at pagkadismaya niya sa tarantado. Ginagawa nitong yelo ang kanyang puso. "Ah, okay," tamad niyang sagot. "Pasensiya na ho, madam." yumukod
Last Updated : 2025-06-20 Read more