"Minsan parang gusto ko ng sumuko," ani Mathias. Napako s'ya sa kinauupan, nakatuod ang mga siko sa kanyang binti habang nasa noo ang mga daliri, malabo ang mga mata na nakatitig sa cracks ng sahig na tila naghahanap ng sagot. Ginapang ng lamig ang batok niya, ngunit di s'ya gumalaw. Banayad na ginagap ni Andrew ang kanyang balikat. Ang kanina'y galit na galit sa kanya ay parang maamong tupa na ngayon at naawa sa kanyang sitwasyon. "Ayokong umabot si Denise dito. Ang totoo, plano kong tapusin ang engagement namin. Ayoko s'yang saktan at pahirapan, Andrew. Batid mo naman simula noon na wala talaga akong feelings sa kanya at napipilitan lamang ako dahil sa mga magulang namin. I didn't expect that she would commit suicide because of this," mahabang tapat niya sa sumisikip na dibdib. "What shall I do?" Inangat niya ang ulo. Kunot na kunot ang noo niya at nalilito s'ya sa nangyayari. "Payong kaibigan lang, dapat niyong pag-usapan ito ng masinsinan na kayong dalawa lang. Ipaliwanag at
최신 업데이트 : 2025-08-15 더 보기