"Ah, s-sorry. Urgent," nahihiyang usal ni Aella. Pinahawak ulit kay Matthias ang bulaklak para sagutin ang tawag. Bumagsak ang mukha niya, nanlulumo at parang binalewala lamang ang kanyang love confession. Matagal na panahon niyang inipon ang lakas ng loob kaso parang nauwi lang sa wala ang lahat. Naiintindihan ba nito ang sinabi niya kanina? "It's okay," tinatamad niyang bulong. Binaba ang malungkot na mga mata sa pulang rosas. Lumapit si Aella sa gilid ng glass wall para sagutin ang tawag. Saglit itong nakipag-usap sa kabilang linya. Nasa mukha nito ang pagiging taranta kaya hindi niya maiwasang mag-alala. "Matthias, sandali lang ha. Kailangan kong puntahan eh," anito, nagmamadaling lumabas. Hindi na pinansin ang bulaklak na hawak niya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa lumabas. Nanlambot ang mga tuhod niya sa panlulumo. Ito ang unang beses na nagtapat siya ng pag-ibig sa babaeng gusto niya pero parang ni-reject lang iyun. Lingin sa kaalaman nito, napatutop ni Aella ang di
최신 업데이트 : 2025-08-22 더 보기