"P-Paano ka nakatakas?" nauutal na wika ni Aella sabay tanggal ng bandana sa ulo ng babae. "How dare you!" Marahas nitong inagaw ang bandana sa kanya at tarantang binalot ang ulo. "Scarlet! Imposible..." natulalang saad ni Sandra. Hindi ito makapaniwala sa nakita. "Sandra, tawagan mo agad ang pulis bago ito makatakas!" nagmamadaling utos niya. Sinugod niya ito at buong lakas na nilupot ang kamay nito. "Let me go!" daing nito, pilit kumakawala sa kanya. Umuungol sa sakit nang pinulupot niya ang kamay nito kaso sadyang tuso ang babae, siniko siya sa dibdib at tinadyakan ang paa niya. Humiyaw siya at namulupot sa sakit. Napahawak siya sa hospital bed ni Theodore, nakasalpok ang kilay habang hinihuma ang kirot sa kanyang paa. "Sandra, bilisan mo!" Nanginginig itong nag-scroll pero mabilis si Scarlet. Hinablot nito ang cellphone, sinuntok sa tyan ang kaibigan niya at tumakbo palabas. "Walang hiya, argh!" Napatiim bagang si Sandra habang tutop ang tyan. Para itong sumasabog na
Terakhir Diperbarui : 2025-08-13 Baca selengkapnya