"Gusto kong patayin mo si Amelia."Tumalim ang mga mata ni Grace nang sabihin iyon. Wala na siya ibang pagpipilian pa, nagsisi siya na hindi siya kumilos noon upang tapusin ito ng maaga. Kung sana ay hindi na siya naging mabait noon at iniligpit agad ang babae kasama ang bastardang anak nito, wala na sana siyang problema ngayon. Magiging Mrs. Willaims na sana siya nang walang kahirap-hirap. Mapapasakanya na sana ang lahat ng gusto niya, ang karangyaan, kayamanan at ingit ng lahat dahil napasakamay niya ang mga Williams. Namilog ang mga mata ni Kevin sa tinuran niyang iyon ngunit kapagkuwan ay ngumisi ito ng malapad. "Sa wakas ay nauntog rin ang utak mo para maisip iyan. Kung sana noon pa ay niligpit mo na ang babaeng 'yon hindi na sana tayo naghihirap ngayon. Don't you ever think that if you had just dealt with her sooner, would she be so arrogant now?" Ani nito at nakakalokong ngumiti sa kapatid. Sinamaan siya ng tingin ni Grace at sumagot. "Pwede ba, gawin ang mo nalang ang ipin
Last Updated : 2025-08-06 Read more