Gayunpan, taliwas sa inaasahan ni Grace ay ngumiti lang ng matamis si Amelia sa kanila. Napatingin narin sa Dalton kay Amelia at may dumaan na pagkagulat sa mga mata nito. Mabilis lang iyon at napasimangot din kalaunan, hinawakan nito ang kamay ni Grace at marahan na hinila papalit sa dalawa. At gaya ng dati ay nagsimula na ngang umakto si Grace. Tumingin ito kay Amelia na para bang may nagawa itong kasalanan at natatakot itong pagalitan. "Pasensya na Amelia, h'wag ka sanang magalit. Hindi pa kasi ako nakakadalo sa ganitong event kaya nagmakaawa ako kay Dalton na isama ako rito. I was bored in the hospital kaya gusto ko ring lumabas at magpahinga. Hin...Hindi ko alam na nandito ka pala," ani nito at nangingilid ang mga luha sa mata.Sumulyap si Grace sa mukha ni Amelia upang makita ang pagkainis nito, subalit ang natanaw lamang niya ay ang banayad nitong ngiti sa labi. "I see. It's been hard on you, since nandito ka rin naman ay it's time to enjoy yourselves," aniya at bahagyang b
Last Updated : 2025-08-19 Read more