"Anong oras ang flight niya?" Agarang tanong ni Amelia kay Brent nang makasakay na siya sa kotse nito. "An hour and a few minutes from now," tugon ni Brent sa tanong niya at nagsimula nang magmaneho. Napatingin si Amelia sa kanyang relo, 3:53 pm na ibig sabihin ay nasa 5 pm ang flight nito. Hindi mapakali si Amelia sa kanyang kinauupuan. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bag at paulit-ulit na tinawagan si Luther ngunit hindi ito sumasagot.Mas lalo siyang kinabahan, lalo na nang maabutan sila ng traffic sa daan, halos gusto nalang lumipad ni Amelia sa kinaroroonan ni Luther.Nang makarating sila sa airport ay halos lakad takbo na ang ginawa ni Amelia dahil 20 minuto nalang ay sasakay na ito ng eroplano. Nang sa wakas ay natagpuan na niya ito, biglang bumuhos ang kanyang luha, nakita niyang nakatayo ito at parang may hinihintay. Walang pagdadalawang isip na tumakbo siya papalapit sa kinaroroonan nito at niyakap niya ito galing sa likuran. "Luther, don't leave. H'wag mo a
Last Updated : 2025-08-25 Read more