“Tumawag na po ako ng taxi.” “Eh ‘di i-cancel mo.” Ngumiti si Allan at bago pa siya makatanggi, bumaba ito, kinuha ang maleta ni Zein, at inilagay iyon sa trunk ng silver-roofed Maybach, parang eksena sa isang kidnapping movie. Kung hindi lang luxury car ‘to, baka akalain ng mga tao, na-hoholdap siya. Binuksan ni Allan ang pinto sa likod, “Hop in, Miss Zein. We're headed to the airport too, perfect timing..” Hindi makatanggi si Zein. Nahihiyang tumanggi sa mas nakatatanda, lalo na’t ganito pa ka-galang. “Thank you po,” mahina niyang sabi, sabay pasok sa loob ng kotse. Pagpasok niya, napatingin agad siya sa kabilang side… at napako ang hininga niya. Warren. He was just wearing a light blue polo, black slacks, and shiny leather shoes. He didn’t have a tie, but his cufflinks were sparkling a bit. Inside the car with soft lighting, he looked calm, neat, and so distant, like someone you couldn’t easily reach. “Morning,”
Terakhir Diperbarui : 2025-06-20 Baca selengkapnya