Lahat ng nasa elevator, natulala.As in, literal na napasinghap sina Allan at Alexis. Si Anya, kinaladkad si Zein palayo, parang bata'ng muntik mahulog sa swimming pool.Wala nang nagsalita.Si Allan at Alexis, parehong nag-‘I didn’t see anything’ sa loob ng utak nila.Selective blindness, activated.MEANWHILE, si Zein, nakatungo, hawak ang noo, paikot-ikot ang daliri sa sentido. Para siyang nilalagnat sa kahihiyan.Buti na lang…5th floor lang ang unit niya. Kung nasa 33rd siya, baka binuksan niya na ang elevator shaft at tumalon nang walang helmet.Pagbukas ng pinto, nagpaalam agad si Anya, sabay kaladkad ulit sa kaibigan niya palabas ng elevator. ‘Yung tipong takbo na parang umaapoy ang takong, parang kidlat ang bilis ng dalawa kahit pa naka-wheelchair si Zein.PAGKASARA ng elevator, sumulyap sina Alexis at Allan kay Warren.Kalmado pa rin si Warren, relaxed at tipong… wala lang. Pero kung tititigan mo nang matagal, pulang pula ang kanyang pisngi.“
Last Updated : 2025-06-25 Read more