Walang nagawa si Owen kundi ang sumunod. Napapaigting na lang ang panga niya. Sino ba ang mga lalaking yan para kabaliwan ng asawa niya? Nagpunta sila dito para sa honeymoon at para maging masaya silang dalawa pero bakit inis ang nararamdaman niya?Kunot noo niyang tiningnan ang asawa niyang malaki ang ngiti habang katabi ang lalaki?“Love, tapos na ba?!” sigaw ni Kayla sa kaniya. Mahigpit na hinawakan ni Owen ang cellphone niya.“Your hand, man!” sigaw ni Owen nang inakbayan ni Chae Min si Kayla.“It’s okay, don’t mind him.” Anas naman ni Kayla saka nito pinanlakihan ng mga mata. Nagngingitngit ang mga ngipin ni Owen sa inis. Hindi niya alam kung paano ba nakilala ng asawa niya ang lalaking yun. Nang matapos ay ibinigay niya kay Kayla ang cellphone.“Thank you, I love you!” saad pa ni Kayla kaya tinaasa siya ni Owen ng kilay. Ngumiti lang naman si Kayla.“I love you,” matamis nitong wika pero hindi nagbago ang reaksyon ni Owen. Nauna nang umalis si Owen, sumunod naman si Kayla habang
Last Updated : 2025-11-22 Read more