Pagpasok ni Kayla sa office nila ay naabutan niya na kaagad dun si Jane. Napapatitig siya dito dahil ang aga aga pa pero nakafocus na ito kaagad sa ipad niya. Napakarami ring papeles ang nasa lamesa nito. Pansin din ni Kayla na kusot kusot pa ang uniform ni Jane.“Jane, umuwi ka ba?” tanong niya pero hindi sumagot si Jane. Patuloy lang itong may ginagawa sa ipad habang tinitingnan ang mga papeles.“Hi everyone, good morning!” masiglang bati ni Mylene nang dumating ito. Pansin ni Mylene na seryoso si Kayla kaya tiningnan niya rin si Jane na nakafocus pa rin sa ipad. “Anong nangyari? Nagstay siya ng hospital?” mahinang tanong ni Mylene.“Hindi ko alam, kinakausap ko siya pero hindi siya sumasagot sa akin. Hindi na maganda ‘to.” Sagot ni Kayla saka muling tiningnan si Jane. “Jane, Jane!” malakas niya nang tawag dahil tila ba walang naririnig si Jane. Nakuha naman na ni Kayla ang atensyon ni Jane.“Oh, nandito na pala kayong dalawa. Overnight din kayo?” tanong nito. Nagkatinginan na si My
Last Updated : 2025-11-24 Read more