“Pero babaguhin natin yan from now on dahil simula sa araw na ‘to, every year na nating icecelebrate ang birthday mo. Hindi ka na magcecelebrate ng mag-isa dahil kasama mo na ako, kasama mo ang pamilya mo at ang magiging anak natin.” Nanunubig na ang mga mata ni Owen. Gusto niyang yakapin ang asawa niya pero may hawak itong cake.Mabilis na bumagsak ang mga luha ni Owen pero mabilis niya ring pinalis ang mga yun.“Now, blow your cake and make a wish.” Ani ni Kayla. Pumikit naman si Owen saka hinipan ang kandila niya.“Yehey,” sabay-sabay namang saad ng mga bisita nila.“Happy birthday, Owen!” sigaw ng mga ito.“Thank you, thank you everyone.” Baling ni Owen sa mga bisita. Nang ibaba na ni Kayla ang cake ay hinarap niya si Owen. Niyakap naman ni Owen ang asawa niya saka ito hinalikan sa ibabaw ng ulo. “Thank you so much, love. You really always surprise me. Maraming taon na hindi na ako nagcecelebrate ng birthday ko to the point na nakalimutan ko na.” malambing na wika ni Owen.Bahagya
Last Updated : 2025-11-28 Read more