RAMIRONang mag isa na lamang ako sa kwarto ay kaagad kong tinawagan si Aarav. Nasa speed dial ko si Eleizha at Dove kaya sigurado akong si Aarav ang pangatlo sa listahan kung kaya’t pinindot ko na iyon. “Yes?” sakto namang boses ni Aarav ang narinig ko sa kabilang linya. “Nandito na ako sa mga Fortez,”“Sige, balitaan mo na lang ako dyan, CCTV cameras, securities, lahat,” “Sige, wait lang, si Nico ba bumalik na?” “Hindi pa, pero kakatawag niya lang sa akin kanina, ang sabi niya ay aasikasuhin niya lang daw ang lola niya at pagkatapos ay babalik na daw siya kaagad,” “Sige,” “Mag ingat ka dyan, Spade,” “Thanks, you too,” Iyon lang at pinatay niya na ang tawag. Damn it, Nico, what’s taking you so long? ***“Ramiro, pinapatawag ka ni Daddy,” saad ni Eleizha sa akin. “Sige, susunod na ako,” tugon ko naman sa kanya at saka tumayo. Hawak hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa corridor, habang ang isa ko namang kamay ay nakahawak sa tungkod ko at winawasiwas iyon upang
Last Updated : 2025-07-04 Read more