Magdamag na hindi halos nakatulog si Camilla dahil sa paulit-ulit na pagbabasa niya sa bagongn kontrata na binigay sa kanya ni Declan kagabi. Hindi siya makapaniwala sa mga nakasulat doon at gaya ng nakita niya kay Declan, punong-puno ng galit ang nilalaman ng kontrata na iyon.Isa lang naman ang malinaw kay Camilla at yun ay gusto siyang gantihan ni Declan dahil sa ginawa niyang pagtanggi sa pag-ibig nito. At ang gusto niya, bayaran ni Camilla mang nawalang pera niya.Pero kung hindi niya ito magagawang bayaran, kailangan niyang manatili sa tabi ni Declan sa loob ng isang taon. Magta-trabaho pa rin siya bilang EA ni Declan, katulong sa bahay, escort sa mga events na dadaluhan niya at bedwarmer, anumang oras na gustuhin ni Declan.Gustuhin man niyang tumanggi, wala naman siyang pagpipilian! Kung yung kalahating milyon nga, hindi niya mahanap, yun pa kayang trenta milyones? Kahit siguro ibenta niya ang kaluluwa niya, hindi niya makukuha ang halagang iyon. Kung ito ang paraan na gusto
Terakhir Diperbarui : 2025-10-21 Baca selengkapnya