“Isa kang escort, tama? ALam ba ni Declan ang katotohanang yan?” ani Giselle kaya napakunot ang noo ng dalaga dahil hindi niya alam kung paano ito nalaman ng Mommy ni Declan“Ma’am hayaan niyo po akong magpaliwanag!” sabi ni Camilla pero umiling lang sa kanya ang ginang“No! Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Ang gusto ko, umalis ka sa buhay ni D! Kilala ko ang anak ko, hindi niya gagawin na hiwalayan ka dahil sa nakikita ko, you got him wrapped in the palm of your hands. Kaya naman, ikaw ang aalis sa buhay niya Camilla!” pagpapatuloy ni Giselle kaya napalunok si CamillaMay kinuha si Giselle sa bag niya at pagtapos ay muling tinignan si Camilla.“Magkano ang kailangan mo para layuan mo ang anak ko, Camilla?” nanlaki ang mata ni Camilla at kung dati, mabait ang tingin niya sa ginang ay nagbago na ito“Hindi ko po kailangan ng pera, Ma’am!” sagot niya sabay iling“Oh c’mon, Camilla! Nagtransfer ng pera ang anak ko sa bangko mo, hindi ba? Paano mo nasabi na hindi mo kailangan ng pera?
Terakhir Diperbarui : 2025-10-27 Baca selengkapnya