Hindi alam ni Camilla kung paano siya nahanap nila Declan at ganun na lang ang takot niya nung malaman niya na kasama nito si Giselle. Ipinaliwanag sa kanya ni Sor PAula ang sitwasyon at hanggang ngayon, hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.Si Giselle Montemayor ang tunay niyang ina!“Gusto ko pong lumuwas ng Maynila, Sor Paula! Gusto kong malaman ang katotohanan at ang tanging magpapatunay lang nun ay ang aking Mommy!” sabi ni Camilla “Kung yan ang gusto mo, ikaw ang magpapasya, Camilla. Pero paano kung malaman mo na totoo ang lahat? Isa pa, gusto ni Mr. Montemayor na makita si Drake. Anak daw niya ang bata kung mapapatunayan niya yan, magkakaroon siya ng karapatan sa bata!” ani Sor Paula at yun pa ang isang nagpapagulo sa isip ni CamillaPaanong nangyari na si Declan pala ang nakasama niya noong gabing yun?“Gusto ko po munang makausap si Mommy, Sor Paula! Saka ko na po siguro iisipin ang tungkol kay Declan!” sagot ni Camilla“Sa nakikita ko, mahal na mahal ka ng binatang yun!
Read more