Pumasok sa Polaris kinabukasan at nagpapasalamat naman si Andrea na hindi na uwi sa pagtatalo ang pag-uusap nila ni Emir kagabi.She was worried na magalit sa kanya si Emir dahil hindi niya nasagot agad ang mga tawag at messages nito.At hanggang maari, ayaw niyang magkaroon sila ng pagtatalo.“Uy, ang aga mo ah!” bati ni Chester kay Andrea na noon ay nakaupo na sa mesa niya at nagsisimula ng magtrabaho“Para iwas traffic, Sir!” magalang na sagot ni Andrea“Sir ka diyan! Chester na lang! Sinabi ko na sa iyo yan eh! Saka hindi naman tayo nagkakalayo ng edad!” tinaasan pa siya nito ng kilay kaya natawa na lang ng mahina si AndreaAlam naman kasi niyang hindi totoo yun dahil natitiyak niyang mas bata lang ito ng konti kay Emir.“Nakakahiya naman po, sir! Siyempre po, mas nauna kayo sa akin at kayo po ang superior ko!” sabi pa ni Andrea “Sus, wala namang seniority dito, Andrea! Isa pa, hindi naman ako ang nagpapasweldo sa iyo!” nakangiting sabi ni Chester“Oy Chester, binobola mo ba si
Read more