“Emir, bakit ba kasi hindi mo siya tawagan? Nag-aalala na sayo yung tao!” sermon ni Kate sa kaibigan niyang si Emir nung umaga na iyonNakabalik na ito ng Pilipinas pero dito siya dumeretso dahil gulong-gulo ang isip niya. Hindi niya akalain na mangyayari ang isang bagay na maaring sumira sa kanila ni Andrea. At dahil dito ay hindi niya magawang sagutin ang mga tawag at messages nito sa kanya dahil nahihiya siya sa nangyari sa kanya habang nasa Singapore siya.“Hindi ko alam kung kaya ko pa siyang harapin, Kate! Nahihiya ako sa nagawa ko!” naiiyak na sabi ni Emir at sobrang naaawa naman sa kanya si Kate“Look, wala ka naman kamong kasalanan, Emir! Ang sabi mo, nilasing ka, nakatulog ka and then pag gising mo, magkatabi na kayo. You are not even sure kung may nangyari sa inyo, tama!?” tanong ni Kate pero hindi nakasagot si Emir“No! Don ‘t tell me…” “Gaya ng sinabi mo Kate, nilasing ako. Wala ako sa sarili ko and in my mind, si Andrea ang kasama ko nung gabing yun!” pag-amin ni Emir
Read more