“May anak kami, Mario! Karapatan kong makilala ang mga bata!” galit na saad ni EmirInilayo na sa kanya ng ilang taon ang mga anak niya at hindi siya papayag na gawin pa sa kanya ang bagay na ito.Kahit humantong sila sa korte, gagawin niya, maibigay lang ang dapat sa kanya.“Oo naman! May karapatan ka! Actually, payag na ako noon eh. Payag na akong makilala ka ng mga bata dahil yun ang pakiusap ng kapatid ko pero nung saktan mo siya ulit, pati na ang mga bata, sinabi ko na hindi na ako papayag! I saw how Moira suffered at hindi ko hahayaang maramdaman ito ng mga anak ko!” matapang na sagot ni Anton“Anak ko sila! Hindi sila sa iyo!” kontra naman ni Emir“Ako ang kinilala nilang ama buhat nung magkamalay sila!” Hinawakan ni Lyka ang kamay ni Anton para kumalma ito at mabuti na lang, effective naman ito.“Dahil hindi ninyo ako binigyan ng pagkakataon! Mas ginusto ninyong itago mula sa akin ang mga bata! Wala kayong kunsensya!” sumbat ni Emir sa kanya“Natural! Ginago mo ang kapa
Read more