DRAVEN HYDER FLARIS - BLEIDON *Flashback* “Pero kung marami ka pang tanong pwede ka mag stay, kaya ko naman ilayo ang asawa mo sa ama-amahan mo.” Malamig nitong wika, naka sandal ito sa bakal na railing dito sa mismong underground. “Gusto ko itanong bakit nagawa niyang patayin ang tunay kong ama?” Tanong ko dito. “Dahil sa inggit, noon pa man si Oliver gusto niyang nakukuha ang nais niya mas lalo kung ito ay utos ng kanyang ama. Hindi ko siya kilala ng buo pero base sa kwento ng matandang hukluban na ‘yun nalalaman ko ano ang pagkatao ni Oliver.” Wika nito napa ngiwi ako ng marinig ko ang salitang ‘Matandang Hukluban.’ “Sino ba tinutukoy mo?” Tanong ko dito. “Si Santiago, makikilala mo din siya, sa ngayon kasi naka electric wheelchair na lang siya. Dahil hindi na niya kaya pang mag lakad. Kilala din siya ni Oliver mas Lalo na ni Armani.” Sagot sa akin nito. “Kapag handa kana saka ko na isasalin sayo ang pamumuno ng isa pang organization. Para malimitahan na rin ang kilos
최신 업데이트 : 2025-11-04 더 보기