Sa labas pa lang, kita ko na roon si Ate Maria. Siya ang maghahatid sa totoong Cindy sa mansion. Hindi ko alam kung ano ang sinabi ni Leon sa kanya. Basta siya na ang bahalang ipasok si Cindy sa kanila. “Ate Maria,” bati ko nang makababa kami. Ngumiti siya sa akin pero halatang may halong ilang na. “Hello, ma'am,” she greeted me. Nanlaki ang mata ko, nabigla sa pag ma’am niya sa akin. “Ate, Alicia na lang. Huwag nang ma'am,” gulat kong sabi. Ilang siyang tumawa. “Kaya pala hindi kapanipaniwala na isa kang katulong kasi hindi ka naman pala,” namamangha niyang sabi. I smiled at her. Nang makalabas na si Leon, iginaya ko sila papunta sa condo ko. Compared sa penthouse ni Leon, ordinaryo lang itong tower ko. We used the elevator. Pagdating namin sa tamang palapag, nauna akong lumabas sa kanila. Sinundan nila ako. I had my spare key kaya nabuksan ko agad ang pintuan kahit hindi na kami pagbuksan ni Cindy. At pagpasok nga namin, naabutan naming nanonood si Cindy ng TV sa sala. Nakaay
최신 업데이트 : 2025-10-21 더 보기