Dahil sa mga bilin nina Mommy at Daddy, unti-unti ko ring natatanggap na buntis ako. Unlike noong una kong malaman na ikinatakot ko, ngayon ay naglo-look forward na ako sa anak ko. Na-realized ko na baka dahil sa kanya, hindi ko na maramdaman na mag-isa ako.Yong plano ni Daddy na mananatili kami sa Singapore for a few days, naging dalawang araw lang at tumulak na kami sa New Zealand. I expected we would live in a kind of rural area, pero sa Auckland, New Zealand pala kami. A metropolitan, busy area filled with high-rise buildings. May tumulong kay Daddy sa magiging accommodation namin kaya pagdating namin, may bahay na kaming tutuluyan.Dala ni Daddy ang maleta ko, pati si Mommy ay may tulak na maleta. Hindi na nila ako hinayaan na tumulong sa mga bagahe. Nasa baba pa ang ibang bagahe namin. May aasikaso na doon kaya nauna na kami ngayon sa unit namin.Pagbukas ng elevator, sumalubong sa amin ang malamig na hangin mula sa hallway ng building. Ang sahig ay kumikintab sa linis, at sa d
최신 업데이트 : 2025-10-30 더 보기