Kinabukasan, maaga akong umalis. Suot ko ang white tailored pantsuit ko. Crisp ang blazer, may dalawang silver buttons sa harap, at fit na fit sa katawan ko. Yung slacks, straight-cut and flowy, sakto ang bagsak hanggang sa takpan nito ang itim kong pointed heels.Alas syete ay nasa parking lot na ako para umalis. Naninibago pa ako habang tinitingnan ko ang sarili kong kotse. It felt like it's been so long since the last time I drove.Inikot ko muna ’yon para tignan kung may sira ba o ano. Ang tagal ko pa namang wala kaya baka may nantrip doon. But luckily, wala naman akong nakitang sira.Dumiretso ako sa firm. Pagpasok ko sa pinto ng law firm, agad akong binati ng receptionist.“Good morning, Atty. Velazquez!”Medyo natigilan ako sa bating ’yon sa akin. Bumaling ako sa receptionist at saka ngumiti.“Good morning,” bati ko pabalik.Iginaya ko ang mata sa paligid. Lahat ng tao na nakikita ko ay busy. Walang nagtanong kung bakit ako nawala. Not that they care anyway. Pero hindi man lang
Terakhir Diperbarui : 2025-07-17 Baca selengkapnya