Lahat sila ay nasa meeting kasama ang mga board members. Nakangiti silang lahat na nakatingin kay Kirsten na nagpapaliwanag sa harap dahil naging successful ang campaign ng department nila.“You did a great job, Miss Thompson. Hindi namin akalain na ang katulad mo na walang experience sa marketing ay magiging matagumpay sa una niyang project. Pinabilib mo kami and I’m sure proud na proud sayo ang mga magulang mo. Talagang pinag-aralan mo ito, ‘no?” anas ng isang matandang board members. Nanatiling seryoso ang mukha ni Kirsten. She just wants to be professional.“Of course, sir. Kaya dapat ang mga nasa HR, hindi lang sila dapat nagfofocus sa mga may experience na dahil hindi natin alam kung sino pa ang mga walang experience sila pa yung mas magagaling.” Hilaw na natawa si Arabella saka ito napapailing.“Sinasabi mo bang hindi man lang makapili ng mga maaayos na empleyado ang mga nasa HR? Marketing Director ka, Miss Thompson. Bakit kailangan mo pang pakialamanan ang ibang department? Do
Read more