Nanunuod pa rin si Kirsten sa loob ng kwarto nila nang magring ang cellphone niya. Kinuha niya iyun nang hindi tinitingnan at sinagot nang hindi tinitingnan kung sino ang caller.“Yes?” sagot niya habang kumakain ng popcorn.“Ito ba ang asawa ni Mr. Marquez?” napaayos nang pagkakaupo si Kirsten saka niya ibinaba ang hawak niyang pagkain niya.“Yes, ako nga. May kailangan ka?” tanong ni Kirsten. Kinakabahan kung ano bang nangyari sa asawa niya.“Idinala namin kasi siya dito sa prisinto, Misis. Nagwawala pa rin eh baka pwede mong puntahan dito.”“Okay sir, papunta na ako.” Mabilis na tumayo si Kirsten. Nakasleepwear na siya, nanguha na lang siya ng jacket para takpan ang katawan niya.Kinuha niya kaagad ang susi ng sasakyan niya para puntahan kaagad ang asawa niya. Nag-aalala siya at iniisip kung paanong napunta sa prisinto ang asawa niya gayong sa reunion ito nagpunta.Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na si Kirsten sa prisinto. Nakatsinelas na lang siyang nagpunta, hindi pa par
Read more