Kalmado na si Arabella at tahimik siyang nakatingin sa mga magulang niya na kinakausap siya. Kinukumbinsi siyang bumalik na lang muna ng California para sa ikabubuti niya. Bumalik na naman ang dating siya. Maayos naman talaga siya, normal ang lahat sa kaniya maliban na lang kapag nagmahal siya. Nagiging obsess siya at kung ano-ano ang iniisip niya. “This is for your own good anak. Magpapagamot ka ulit sa California. Ayaw naman nating may makaalam na nakakakilala sa atin na ganiyan ka hindi ba? Ayaw ko na rin sanang lumala ka pa ulit bago ka namin ibalik sa mental hospital. Anak, alalahanin mo, nakapatay ka na noon at ayaw ko ng maulit yun. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang pagtakpan ang ginawa mo kapag nangyari na naman yun.” Panenermon ni Marlon. Niyakap ni Arabella ang unan sa sofa saka siya sumandal sa upuan. “Yun ba talaga ang sa tingin niyong makakabuti para sa akin?” Walang gana niyang tanong. Ayaw niyang umalis, ayaw niyang iwan si Jasper dahil naniniwala siyang may pagting
Read more