Tiningnan ni Caleb ang mga dala nilang bag, mabuti na lamang at may dala silang paracetamol. Ginising niya na si Caroline para makakain na ito at makainom ng gamot. Nanghihina naman si Caroline, naduduwal pa siya dahil sa hilo na nararamdaman niya.“Ah!” da/ing niya ng maramdaman niya ang sakit ng paa niyang napatid kahapon. Tiningnan yun ni Caleb at namamaga na ang paa ni Caroline. Nahihiya naman si Caroline dahil naging pabigat pa siya sa camping ng pamilya ni Caleb.“I’m sorry,” hinging paumanhin niya. Paos pa ang boses niya.“Kumain ka na para makainom ka ng gamot.” Yun na lang ang sinabi ni Caleb saka ibinigay ang mga pagkain. Kumain naman na si Caroline habang nakatingin lang sa kaniya si Caleb.“Kumain ka na rin ba? Sabayan mo na ako.” Tumango naman si Caleb saka kumain na rin. Nanginginig pa ang mga kamay ni Caroline dahil sa panghihina niya.“Gusto mo bang subuan kita?” umiling si Caroline. Kaya niya naman ang sarili niya.“Hindi na, kaya ko.” Sagot niya. Habang kumakain sila
Last Updated : 2025-07-25 Read more