Tuwang-tuwa si Kirsten ng malaman niyang buntis na si Caroline. Hindi niya alam pero mas excited pa siya sa mag-asawa.“Hindi pa ba siya nakakapagpacheck-up? I’m free today, pwede ko siyang samahan.” Saad ni Kirsten.“Hindi na, ako na ang sasama sa kaniya. Magpapacheck-up kami ngayong sabado.” Sagot ni Caleb.“Bakit sa sabado pa kung pwede naman na ngayon? Don’t worry, mag-iingat ako sa pagdadrive. Hindi ko naman hahayaan na mapahamak ang magiging pamangkin ko.” Bakas na bakas ang excitement sa tinig ni Kirsten pero hindi pa rin siya pinayagan ni Caleb.“Ako na, ako ang sasama sa kaniya. Ito ang ayaw ko kapag dito ka tumira eh. Kung gusto mong magstay dito, huwag mong gayahin ang ugali ni mommy. Masyadong pakialamera at mabunganga.” Nawala naman ang ngiti sa labi ni Kirsten. May punto naman ang kapatid niya. Bumukod ito sa kanila para makalayo sa ingay at pakikialam ng kanilang ina.“Okay, I understand.” Sagot ni Kirsten. “Pasensya na, I’m just excited to have a niece or nephew.” Dagd
Last Updated : 2025-07-29 Read more