Nakamasid lang si Caroline sa babaeng kasama niya sa taxi. Napasapo pa ito sa noo niya na tila ba may naalala siya.“My bag,” reklamo niya. Wala namang ibang dala ang babae kundi ang sarili niya lang, ang hawak nitong mataas na heels. Gulo-gulo pa ang buhok nito. Maganda, maputi, matangkad, at payat ang babaeng kasama niya. Hindi niya lang akalain na ang magandang katulad nito ay nasasangkot sa gulo.Naramdaman ng babae na nakatingin sa kaniya si Caroline kaya nilingon niya na rin ito. Iniwas naman kaagad ni Caroline ang paningin niya at kunwaring busy siyang tumitingin sa labas.“Nagtataka ka kung bakit ganito ang itsura ko? Hindi ako masamang tao, hindi rin ako sangkot sa kahit anong sindikato. Sa pagkakaalala ko nasa bar ako kagabi, masayang nakikipag-inuman hanggang sa may makilala akong lalaki. Alam mo na, landian ganun hanggang sa makarating kami sa hotel. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto habang tulog pa ang lalaking nakilala ko sa bar. Paglabas ko ng kwarto may mga lalaking
Last Updated : 2025-07-18 Read more