KATHERINEMabuti na lang talaga at hindi na bumalik ang lalaking ‘yon. Tatlong araw na rin simula ng umalis siya. Pero bakit ko ba siya iniisip? Ano ba ang pakialam ko sa bata na ‘yon? Mabuti nga na hindi ko na siya nakita dahil masungit lang naman siya.“Ate, okay ka lang po ba?”“May sinasabi ka ba, Nica?” tanong ko sa kanya.“Sabi ko po kung okay ka lang po?”“Okay lang naman ako, bakit mo naitanong?” tanong ko sa kanya.“Kasi kanina ka pa po tulala d’yan eh. Tapos kalbo na po ang halaman,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nakalbo ko na nga ang inaayos kong halaman.“Naku, hindi ko namalayan.”“Mukhang may iniisip ka po, ate. May problema ka po ba?” halatang nag-aalala na tanong sa akin ni Nica.Ngumiti ako sa kanya dahil ang bait talaga ng batang ito.“Okay lang ako, Nica. Hindi ko alam kung bakit lumilipad ang isip ko. Bigla ko lang kasi naalala ang mga halaman na binili ni Mr. Laczamana. Lagi kasing namamatay binibili niya para sa mommy niya. Kaya n
Terakhir Diperbarui : 2025-06-24 Baca selengkapnya