แชร์

C4

ผู้เขียน: CALLIEYAH JULY
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-06-24 16:06:13

KATHERINE

“Ano po ba ang gusto mo, Sir? Ikaw na lang po ang pumi–”

“Ikaw, ikaw na lang. Wala naman akong alam d’yan eh.” sagot niya sa akin na nagbigay ng kakaibang kaba sa puso ko.

Feeling ko ang bilis ng t*bok ng puso ko. Tapos nakatingin pa siya sa akin na hindi man lang kumukurap. Hanggang sa pareho kaming nagulat sa sunod na nangyari.

Bigla na lang bumuhos ang ulan kaya naman tumakbo kaming dalawa papasok sa loob ng bahay ko. 

“Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.

“Mukha ba akong okay?” tanong niya sa akin habang hinuhubad ang coat niya.

Masungit talaga ang lalaking ito. 

“Kukuha lang ako ng towel,” sabi ko na lang sa kanya at pumasok ako sa loob ng silid ko. 

Nabasa rin ang damit ko kaya naman balak ko na munang maligo. Pero naisip ko naman siya kaya lumabas na lang ako para ibigay sa kanya ang towel. Dahil kung maliligo ako ay matatagalan pa ako bago matapos. 

“Towel,” sabi ko sa kanya at inabot ko ito. Kinuha naman niya ito.

Tumalikod na ako pero bigla naman siyang nagsalita.

“Puwede ba akong makiligo dito?” tanong niya sa akin.

“What?” tanong ko sa kanya dahil hindi ko inaasahan na itatanong niya ito sa akin.

“Maliligo sana ako. Baka kasi magkasakit ako lalo na nabasa ang ulo ko,” sagot niya sa akin.

“Wala akong damit na puwedeng ipahiram sa ‘yo,” sabi ko sa kanya.

“May bathrobe ka naman siguro–”

“Meron pero hindi yata kakasaya sa ‘yo. Lalo na ang tangkad mo,” sagot ko sa kanya.

“Wait, titingnan ko sa kotse ko baka may damit pa ako doon,” sabi niya sa akin at lumabas na siya na wala man lang payon. 

Mabilis naman akong kumuha ng payong at sumunod ako sa kanya. Paano naman siya babalik dito? Kung may damit nga siya ay baka mabasa lang ulit sa ulan. Kahit pa matangkad siya ay itinaas ko ang payong na hawak ko. May nahanap nga siya na damit kaya naman bumalik na kami sa loob ng bahay ko.

Malakas pa rin kasi talaga ang ulan. At kung aalis naman siya na basa ay baka magkasakit siya. Hindi naman ako natatakot sa kanya. Mukha lang naman siyang masungit pero alam ko na hindi naman siya masamang tao.

“Maligo ka na, pasensya ka na pambabae lang ang mga gamit na mayroon ako sa banyo,” sabi ko sa kanya.

“It’s fine,” sagot niya sa akin at pumasok na siya sa loob.

Ako naman itong naiwan dito sa labas at naghihintay sa kanya na lumabas sa banyo. Nilalamig na nga ako dahil medyo matagal siya. Ang tagal naman pala niya maligo. Isa lang kasi ang banyo dito dahil mag-isa lang rin naman ako dito sa bahay.

Ilang sandali pa ay lumabas na siya. Ako naman itong umiwas agad ng tingin sa kanya dahil hindi pala siya nagbihis sa loob. Nakapulupot lang sa baywang niya ang towel. Ang ganda pa naman ng katawan niya. Dahil nga sa ayaw kong makita ang katawan niya ay mabilis akong pumasok sa loob ng banyo.

Kaagad akong naligo. Kung noonay matagal akong maligo ay ngayon naman ay mabilis lang dahil na rin sa malamig ang tubig. Maulan pa rin at wala yata itong balak na tumigil. Mabuti na lang at may bathrobe dito kaya ito ang ginamit ko. Paglabas ko sa banyo ay nakabihis na rin siya at nakaupo na sa may sofa ko.

Pumasok na ako sa room ko para magbihis ng damit ko na pantulog. Pinatuyo ko na rin ang buhok ko. Ayaw ko man lumabas ay wala akong choice dahil ayaw ko naman siyang pabayaan doon sa labas.

Paglabas ko ay kung ano ang posisyon niya pagpasok ay ganun pa rin ngayon na nakalabas na ako. 

“Gusto mo ba ng coffee? Kumain ka na ba?” tanong ko sa kanya.

“Beer?” sagot niya sa akin.

“Sorry, walang beer. Wine lang ang meron ako,” sagot ko sa kanya.

“Puwede na ‘yan,” sagot niya sa akin.

“Okay,” sabi ko at tumalikod na ako para kunin ang wine sa loob.

Naglabas rin ako ng dalawang wine glass dahil hindi naman puwede na siya lang ang iinom. Titikim lang ako ng kahit na kaunti. Paglabas ko ay binigyan ko agad siya ng wine glass at hinayaan ko na lang siya na siya ang magbukas ng wine.

Kumuha ako ng vegetable chips sa may kabinet ko. 

“Hindi ka ba natatakot na ako lang ang kasama mo dito?” tanong niya sa akin.

“Hindi naman,” sagot ko sa kanya.

“Bakit?”

“Hindi ka naman mukhang masamang tao,” sagot ko sa kanya.

“Really?”

“Oo, mukha kang masungit at strict pero hindi ka naman mukhang masama. At isa pa matanda na ako para may gawin kang masama sa akin–”

“Hindi ka naman mukhang matanda,” sabi niya sa akin.

“Talaga?” tanong ko sa kanya.

“Mukha ka namang bata,” sagot niya sa akin.

“Ikaw lang ang nagsabi niyan,” sabi ko sa kanya.

“40’s na ako,” sabi ko sa kanya dahil matanda na talaga ako.

“Talaga, matanda ka na pala.” sabi niya sa akin.

“Sabi ko naman sa ‘yo, matanda na ako. Ex-husband ko si gov at may anak kami, si Reighn. Malapit na siyang mag-18,” sagot ko sa kanya.

“Malaki na pala ang anak mo,” sabi niya sa akin.

“Oo, dalaga na at nasa US siya ngayon. Doon siya nag-aaral. Ako naman ay nandito kasama ang mga halaman at bulaklak ko,” nakangiti na sabi ko sa kanya.

Ngayon lang ako nagkaroon ng kausap at okay rin naman pala. 

“Wala ka na bang balak na mag-asawa ulit?” tanong niya sa akin kaya naman tumawa ako. Natutuwa kasi ako sa kanya. Sa lahat kasi ng puwede niyang itanong ay tungkol pa talaga sa bagay na ito.

“Naku, matanda na ako para mag-asawa. Wala rin namang magkakagusto sa akin. Lalo na hindi  maganda ang naging past ko. Ayaw ko na rin dahil magiging kahihiyan lang ako sa magiging karelasyon ko. Kuntento na ako sa ganitong buhay ko, masaya naman ak–”

“Masaya ka nga ba?” tanong niya sa akin.

“Oo, wala naman akong ibang choice kundi ang maging masaya. Kasi alam mo, gusto ko rin maging masaya. Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ba ako mabubuhay sa mundong ito. Gusto kong itama ang lahat ng maling ginawa ko sa nakaraan. Kaya ikaw, kapag may mahal ka ay pahalagahan mo. Para hindi ka mabuhay na may pagsisisi ka,” sabi ko sa kanya.

Tatlong tagay pa lang naman ako pero bakit parang lasing na ako.

“Bakit, gusto mo pa bang balikan ang ex mo?” tanong niya sa akin na para bang naiinis siya eh nagtatanong lang naman siya sa akin.

“Yung totoong sagot ba? Oo, gusto ko, pero kahit pa gusto ko ay alam ko na masaya na siya sa buhay niya at masaya rin ako dahil tamang babae na ang mapili niya,” sagot ko sa kanya.

“Aalis na ako,” bigla niyang sabi at tumayo na siya.

“Uuwi ka na? Malakas pa ang ulan sa labas,” sabi ko sa kanya sabay hawak sa kamay niya para pigilan siya.

“Puwede ka naman matulog dito sa bahay ko kung gusto mo. Pero dito lang sa sofa ko,” sabi ko sa kanya.

“Hindi na, uuwi na lang ako.” sabi niya at bigla na lang siyang tumakbo palabas sa bahay ko. 

Kakaligo pa lang niya ay muli na naman siyang naligo sa ulan.

Bahala nga siya, ako na nga itong nagmamalasakit ay maarte pa siya. Sana talaga ay hindi na siya bumalik dito. Hindi na ako natutuwa sa pagmumukha niya at mas hindi ako natutuwa na lagi na lang nalalanta ang mga halaman kapag siya ang bumibili.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (4)
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
ayan tuloy kht naulan lumayas na
goodnovel comment avatar
Rachel Dela Vega Matucad
nagselos na agad lauren hahaha sabagay c gov afam yata yan
goodnovel comment avatar
Yanne Bueno Nerizo
mukhang soulmate at feeling close agad ...
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • PERFECT TIME   C11

    KATHERINE“Ate, ako na po ang maghuhugas ng mga hugasin,” nakangisi na sabi ni Lauren na para bang inaasar pa niya ako.Kakatapos lang namin kumain na dalawa kaya naman ako na ang maghuhugas nito. Nakakahiya naman kung siya pa ang maghuhugas eh siya na ang nagluto.“Ako na, ikaw na nga ang nagluto eh,” sabi ko sa kanya.“Ako na po, ate.” Nakangisi pa rin na sabi niya.“Bakit ba ang kulit mo? Ang sabi ko ay ako na, kung ayaw mong makinig sa akin ay–”“Ang ingay mo talaga, ate.” sabi niya sa akin at pinatakan niya ng halik ang labi ko.“Tumigil ka nga! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa m–”“Hinahalikan ka,” nakangisi na sagot niya after niya ako ulit halikan sa labi.“Bakit ka ba panay halik? Alam mo ba na hindi tama itong ginagawa m—”“Ituro mo nga sa akin kung ano ba ang tamang paghalik,” nakangisi na sabi niya kaya ako itong maang na nakatingin sa kanya.“You’re unbelievable,” bulalas ko habang nakatingin ako sa gwapo niyang mukha na ngayon ay nakangiti.“Yes, at mas unbelievable pa an

  • PERFECT TIME   C10

    KATHERINE“Kailangan pa ba kitang utusan na halikan rin ako?” Tanong niya sa akin na alam kong may kasamang utos.“Anong gagawin ko? Dapat ko bang sundin ang batang ito?” Tanong ko sa sarili.“Kiss me back, please.”Sh*t! May pa please pa siyang nalalaman pero mali ito. Hindi dapat ito nangyayari kaya naman mabilis ko siyang itinulak. Hindi dapat ako magpadala sa kanya. Hindi talaga dapat.“Tumigil ka nga! Ate mo na ako, kaya please lang tumigil ka,” sabi ko sa kanya.“Paano kung ayaw ko?”“Bakit ka ba ganyan?” Tanong ko sa kanya.“Bakit ako ganito? Dahil sa ‘yo,” sagot niya sa akin.“Ha? Bakit?”“Ilang taon ka na ba?” tanong niya sa akin.“42 na ako,” sagot ko sa kanya.“42 ka na pero manhid ka pa rin,” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong naguluhan sa kanya.Hindi ko kasi talaga alam kung ano ba ang tinutukoy ng batang ito.“Ano ba ang ibig mong sabih–”Nagulat ako dahil muli na naman niya akong hinalikan sa labi na dahilan para manlaki na naman ang mga mata ko. Ano ba talaga ang gi

  • PERFECT TIME   C9

    KATHERINE “Ano ba ang problema mo? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot dahil lumalapit siya sa akin. Ako naman itong umaatras hanggang sa muntik na akong matumba pero mabilis niya akong hinila kaya napahawak ako sa dibdib niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hanggang sa nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Feeling ko ay bigla na lang tumigil ang lahat ng nasa paligid kahit pa kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon. Literal na lumaki ang mga mata ko sa pagkagulat. After ilang taon ay ngayon lang ulit ang may humalik sa akin. Hindi ko alam pero bakit may kakaibang bigay sa puso ko ang naging halik niya. Nang mahimasmasan ako ay mabilis ko siyang itinulak. “Ano bang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. “Pinapa-tahimik lang kita dahil ang ingay mo,” sabi niya sa akin kaya buong pagtataka akong tumingin sa kanya. Kanina ay nagtatanong siya about kay Adam. Tapos ako ang maingay? Ako ba talaga? Ewan k

  • PERFECT TIME   C8

    KATHERINE“Baliw ba siya?”Hindi ko mapigilan na hindi itanong sa sarili ko nang makita ko si Lauren na sinisira ang gate ko. Mabilis akong lumabas ng bahay para puntahan siya. “What do you think you’re doing?” tanong ko sa kanya.“S–Sinisira ko,” sagot niya sa akin na halatang lasing siya.“Bakit mo sinisira?”“Wala lang gusto ko lang. Masama ba? Magsusumbong ka ba sa ex-husband mo? Edi magsumbong ka sa kanya! Wala akong pakialam!” sagot niya sa akin na patanong.“Ano ba ang problema mo?”“Problema ko? Ikaw, ikaw ang problema ko,” sagot niya sa akin.“Tungkol ba ito sa mga halaman na binili mo?” tanong ko sa kanya.“‘Yong halaman mo na namatay lahat? Tsk! Ang pangit ng mga halaman mo, nakailang bili na ako pero wala pa rin,” sabi niya kaya hindi ko alam kung masasaktan ba ako o hindi.“Hayaan mo papalitan ko na lang ‘yon lahat. May puwede ba akong tawagan para magsundo sa ‘yo?” tanong ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya kayang magdrive.“D–Dito ako matutulog,” sabi niya at

  • PERFECT TIME   C7

    KATHERINE“Matanda na ako para mag-asawa pa ulit. Saka walang lalaki ang gustong—”“Paano naman kung mayroon,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.“Mauna na ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako dahil tapos na akong magbayad ng mga binili ko.Ayaw ko kasi na nag-uusap kami ng ganito sa harap ng ibang tao. Lalo na matanda na ako. Ayaw ko ng ganito kaming dalawa at nag-uusap ng tungkol sa personal kong buhay eh hindi naman kami close.“Ihahatid na kita,” sabi niya at bigla na lang niyang kinuha sa kamay ko ang bitbit kong grocery.“Baka may ibang lakad ka pa. Okay lang ako,” sabi ko sa kanya.“Wala na akong pupuntahan. Ihahatid muna kita sa bahay mo bago ako uuwi,” sabi niya sa akin.“Okay lang ba sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Okay na okay,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Sige, ikaw ang bahala.” sabi ko sa kanya at hinayaan ko na lang siya.Sa parking lot na kami pumunta na dalawa. Kahit pa may hawak siya ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto ng kotse. Gentleman tala

  • PERFECT TIME   C6

    KATHERINEDahil ang katabi ko ngayon ay si Lauren..“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.“Bakit, bawal ba akong manood ng sine?” tanong niya sa akin at lumingon siya kaya sobrang lapit ng mukha naming dalawa.Hindi ko alam pero bigla na lang akong napalunok ng wala sa oras. Paano ba naman kasi ang bango ng lalaking ito. Tapos ang gwapo pa niya. Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil nakakahiya itong ginagawa ko. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at muli na lang akong tumingin sa screen. Ayaw ko naman na isipin niya na pinagbabawalan ko siya dito ngayon. Dahil hindi naman ako ang may-ari ng sinehan. Nakikinood lang rin naman ako. Baka nga ganito rin ang mga trip niya. “Maganda ba?” tanong niya pero hindi ko alam kung sino ba ang kinakausap niya. “Snob naman,” sabi niya kaya lumingon ulit ako sa kanya.“Ako ba ang kausap mo?” tanong ko sa kanya.“May iba pa ba akong kilala dito maliban sa ‘yo?” tanong niya.“Ano ba ang maganda–”“Ikaw,” sagot niya kaya biglang kumuno ang no

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status