KATHERINE
“Ano ba ang problema mo? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot dahil lumalapit siya sa akin. Ako naman itong umaatras hanggang sa muntik na akong matumba pero mabilis niya akong hinila kaya napahawak ako sa dibdib niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hanggang sa nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Feeling ko ay bigla na lang tumigil ang lahat ng nasa paligid kahit pa kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon. Literal na lumaki ang mga mata ko sa pagkagulat. After ilang taon ay ngayon lang ulit ang may humalik sa akin. Hindi ko alam pero bakit may kakaibang bigay sa puso ko ang naging halik niya. Nang mahimasmasan ako ay mabilis ko siyang itinulak. “Ano bang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. “Pinapa-tahimik lang kita dahil ang ingay mo,” sabi niya sa akin kaya buong pagtataka akong tumingin sa kanya. Kanina ay nagtatanong siya about kay Adam. Tapos ako ang maingay? Ako ba talaga? Ewan ko sa batang ito. Kung ano-ano na lang ang ginagawa. “Bahala ka nga sa buhay mo! Kung gusto mo ay umuwi ka na lang,” sabi ko sa kanya at nagmamadali akong pumasok sa loob para magbanlaw na ng sarili ko. Pagpasok ko pa lang sa may banyo ay wala sa sarili kong hinawakan ang labi ko. Hindi kasi ako makapaniwala na hinalikan niya ako. Feeling ko ang naka-dikit pa rin ang labi niya sa labi ko. Naguguluhan rin kasi ako kung bakit ba niya ako hinalikan? He said that pinapa-tahimik niya ako kasi maingay ako? Pero siya nama kasi itong nagtatanong sa akin. Gusto kong sumigaw dahil hindi ko talaga alam ang problema niya. Nalilito talaga ako sa nangyari. Kaya bago bago pa ako masiraan ng bait ay kailangan ko ng maligo. Pero ang laking tanga ko dahil wala pala akong towel na dala dito. Binuksan ko ng kaunti ang pintuan at sumilip ako. Wala naman akong nakitang tao kaya sa tingin ko ay umuwi na siya. Naririnig ko pa rin ang malakas na bagsak ng ulan mula sa labas. Pero kasi sumilip ako at wala naman siya. Huminga ako ng malalim bago ako lumabas sa banyo na n*******d lang. Dahan-dahan lang ang lakad ko dahil nga baka madulas naman ako. Nasa living room pa lang ako nang bigla na lang bumukas ang pintuan kaya para akong napako sa kinatatayuan ko. “Huwag kang pumasok! Pumikit ka!” Sigaw ko kay Lauren. “What the—damn it! Wala akong nakita.” Narinig ko na sambit niya bago tumalikod. Kaya naman mabilis akong tumakbo papasok sa room ko at mabilis kong sinara ang pintuan. My gosh! Nakakahiya! Sobrang nakakahiya talaga! Bakit kasi hindi pa siya umuwi? Bakit kasi nandito pa siya? Oh my gosh! Hindi naman ako v*rgin pero syempre ayaw ko naman na may ibang lalaki ang makakita sa katawan ko. Nagbago na ako at may hiya na ako. Hindi na ako ang dating Katherine na walang pakialam. Ang dating Katherine na masyadong mataas ang tingin sa sarili. After kong malugmok at mabaon sa putik ay doon ko talaga natutunan ang lahat. Doon ko pinili na magbago para sa anak ko at para sa sarili ko. Natutunan ko na may mga bagay na hindi para sa akin. May mga pagkakataon at pangyayari na hindi ko kontrolado at higit sa lahat hindi lahat ay kayang tapatan ng pera. Nang ma-realize ko ang lahat ng ito ay doon ko napagtanto na mali pala ako, na wala pala akong kwentang tao. Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko kasi alam kung paano ko ba haharapin si Lauren. Alam ko naman na marami na siyang nakitang katawan pero lalaki pa rin siya at babae pa rin ako. Nagbihis na ako at ginawa ko ang mga kailangan ko. Ilang minuto na akong tapos at nakatulala lang ako dito habang nakaupo sa kama ko. Hindi ko kasi alam kung lalabas na ba ako o hindi? Ang alam ko ay hindi siya lumabas dahil sobrang lakas ng ulan at nasa labas pa ang sasakyan niya. Binuksan ko ang phone ko at nalaman ko na may bagyo at dito tatama sa lugar namin. May mga kalsada ng mataas ang tubig at hindi na puwedeng daanan. Ayaw ko mang lumabas ay kailangan kong sabihin sa kanya na delikado na kung sakaling umalis siya. Kapag kasi may nangyari sa kanya ay kargo de konsensya ko pa ito. Kailangan kong balewalain itong hiya na nararamdaman ko. Masyado na akong matanda para masyadong magpaapekto sa tingin mo sasabihin niya. Wala siya dito sa sala pero naririnig ko ang lagaslas ng tubig sa banyo. Bumalik ako sa room ko para kumuha ng towel. Alam ko kasi na walang towel doon. Kumatok ako. “Why?” Tanong niya sa akin. “‘Yung towel,” sagot ko sa kanya. Wala akong narinig mula sa kanya pero binuksan niya ang pintuan kaya iniabot ko ito sa kanya. Kinuha naman niya ito. Ako naman ay pinili na lang na ayusin ang mesa para makakain na kami. Napangiti ako dahil amoy pa lang ng niluto niya ay mukhang masarap na. Narinig ko na bumukas ang pintuan ng banyo pero hindi ako lumingon. Dahil alam ko na siya ito. “May bagyo pala ngayon. Baha na ang ibang mga kalsada. Hindi ko alam kung makakadaan ka,” sabi ko sa kanya pero nanatili lang siyang tahimik. Nang lumingon ako sa kanya ay nagulat ako dahil topless siya at ang tanging nakatakip lang ay ang sa ibabang parte ng katawan niya. Pumuputok ang abs niya at kitang-kita ko ang butil ng tubig na tumutulo mula sa buhok niya. Kaagad akong umiwas ng tingin. “Wala akong damit na panlalaki kaya wala akong maipapahiram sa ‘yo. Malayo ba ang bahay mo dito? Kung gusto mo ay tatawagan ko na lang si Adam. Puwede akong humiram ng bagong damit para sa—” “May damit ako at hindi ko kailangan ang damit na galing sa ex mo,” sabi niya sa akin na hindi ko alam kung naiinis ba siya o hindi dahil iba ang tono ng boses niya. “Okay, nag-suggest lang ako. Magbihis ka na para makakain na tayo,” sabi ko sa kanya. “Kukunin ko muna ang damit ko sa labas—” “Akin na ang susi ng kotse mo, ako na ang kukuha doon. Baka kasi may makakita pa sa ‘yo na ganyan ang itsura mo. Baka isipin nila ay may relasyon tayo,” sabi ko sa kanya. “Wala namang mali sa—” “Alam ko naman na confident ka sa katawan mo pero kasi iba mag-isip ang ibang tao. Ayaw ko ng eskandalo. Matagal ko ng iniiwasan ‘yon at nagbago na ako. Masyado kang bata para maging laman ng chismis. Kaya sana ay—” “Ang ingay mo talaga,” sabi niya sa akin at bigla na lang niyang hinapit ang baywang ko. Nagkatinginan kaming dalawa hanggang sa muli akong nagulat sa ginawa niya. Hinalikan niya ang labi ko at ako naman itong nakadilat ang mga mata. “Kailangan pa ba kitang utusan na halikan rin ako?” Tanong niya sa akin na alam kong may kasamang utos. “Anong gagawin ko? Dapat ko bang sundin ang batang ito?” Tanong ko sa sarili.Thank you po sa inyong lahat ❤️
KATHERINE“Ano ba ang problema mo? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot dahil lumalapit siya sa akin.Ako naman itong umaatras hanggang sa muntik na akong matumba pero mabilis niya akong hinila kaya napahawak ako sa dibdib niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hanggang sa nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinalikan sa labi.Feeling ko ay bigla na lang tumigil ang lahat ng nasa paligid kahit pa kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon. Literal na lumaki ang mga mata ko sa pagkagulat. After ilang taon ay ngayon lang ulit ang may humalik sa akin. Hindi ko alam pero bakit may kakaibang bigay sa puso ko ang naging halik niya.Nang mahimasmasan ako ay mabilis ko siyang itinulak.“Ano bang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya.“Pinapa-tahimik lang kita dahil ang ingay mo,” sabi niya sa akin kaya buong pagtataka akong tumingin sa kanya.Kanina ay nagtatanong siya about kay Adam. Tapos ako ang maingay? Ako ba talaga? Ewan ko sa b
KATHERINE“Baliw ba siya?”Hindi ko mapigilan na hindi itanong sa sarili ko nang makita ko si Lauren na sinisira ang gate ko. Mabilis akong lumabas ng bahay para puntahan siya. “What do you think you’re doing?” tanong ko sa kanya.“S–Sinisira ko,” sagot niya sa akin na halatang lasing siya.“Bakit mo sinisira?”“Wala lang gusto ko lang. Masama ba? Magsusumbong ka ba sa ex-husband mo? Edi magsumbong ka sa kanya! Wala akong pakialam!” sagot niya sa akin na patanong.“Ano ba ang problema mo?”“Problema ko? Ikaw, ikaw ang problema ko,” sagot niya sa akin.“Tungkol ba ito sa mga halaman na binili mo?” tanong ko sa kanya.“‘Yong halaman mo na namatay lahat? Tsk! Ang pangit ng mga halaman mo, nakailang bili na ako pero wala pa rin,” sabi niya kaya hindi ko alam kung masasaktan ba ako o hindi.“Hayaan mo papalitan ko na lang ‘yon lahat. May puwede ba akong tawagan para magsundo sa ‘yo?” tanong ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya kayang magdrive.“D–Dito ako matutulog,” sabi niya at
KATHERINE“Matanda na ako para mag-asawa pa ulit. Saka walang lalaki ang gustong—”“Paano naman kung mayroon,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.“Mauna na ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako dahil tapos na akong magbayad ng mga binili ko.Ayaw ko kasi na nag-uusap kami ng ganito sa harap ng ibang tao. Lalo na matanda na ako. Ayaw ko ng ganito kaming dalawa at nag-uusap ng tungkol sa personal kong buhay eh hindi naman kami close.“Ihahatid na kita,” sabi niya at bigla na lang niyang kinuha sa kamay ko ang bitbit kong grocery.“Baka may ibang lakad ka pa. Okay lang ako,” sabi ko sa kanya.“Wala na akong pupuntahan. Ihahatid muna kita sa bahay mo bago ako uuwi,” sabi niya sa akin.“Okay lang ba sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Okay na okay,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Sige, ikaw ang bahala.” sabi ko sa kanya at hinayaan ko na lang siya.Sa parking lot na kami pumunta na dalawa. Kahit pa may hawak siya ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto ng kotse. Gentleman tala
KATHERINEDahil ang katabi ko ngayon ay si Lauren..“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.“Bakit, bawal ba akong manood ng sine?” tanong niya sa akin at lumingon siya kaya sobrang lapit ng mukha naming dalawa.Hindi ko alam pero bigla na lang akong napalunok ng wala sa oras. Paano ba naman kasi ang bango ng lalaking ito. Tapos ang gwapo pa niya. Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil nakakahiya itong ginagawa ko. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at muli na lang akong tumingin sa screen. Ayaw ko naman na isipin niya na pinagbabawalan ko siya dito ngayon. Dahil hindi naman ako ang may-ari ng sinehan. Nakikinood lang rin naman ako. Baka nga ganito rin ang mga trip niya. “Maganda ba?” tanong niya pero hindi ko alam kung sino ba ang kinakausap niya. “Snob naman,” sabi niya kaya lumingon ulit ako sa kanya.“Ako ba ang kausap mo?” tanong ko sa kanya.“May iba pa ba akong kilala dito maliban sa ‘yo?” tanong niya.“Ano ba ang maganda–”“Ikaw,” sagot niya kaya biglang kumuno ang no
KATHERINEMabuti na lang talaga at hindi na bumalik ang lalaking ‘yon. Tatlong araw na rin simula ng umalis siya. Pero bakit ko ba siya iniisip? Ano ba ang pakialam ko sa bata na ‘yon? Mabuti nga na hindi ko na siya nakita dahil masungit lang naman siya.“Ate, okay ka lang po ba?”“May sinasabi ka ba, Nica?” tanong ko sa kanya.“Sabi ko po kung okay ka lang po?”“Okay lang naman ako, bakit mo naitanong?” tanong ko sa kanya.“Kasi kanina ka pa po tulala d’yan eh. Tapos kalbo na po ang halaman,” sabi niya sa akin kaya nagulat ako dahil hindi ko inaasahan na nakalbo ko na nga ang inaayos kong halaman.“Naku, hindi ko namalayan.”“Mukhang may iniisip ka po, ate. May problema ka po ba?” halatang nag-aalala na tanong sa akin ni Nica.Ngumiti ako sa kanya dahil ang bait talaga ng batang ito.“Okay lang ako, Nica. Hindi ko alam kung bakit lumilipad ang isip ko. Bigla ko lang kasi naalala ang mga halaman na binili ni Mr. Laczamana. Lagi kasing namamatay binibili niya para sa mommy niya. Kaya n
KATHERINE“Ano po ba ang gusto mo, Sir? Ikaw na lang po ang pumi–”“Ikaw, ikaw na lang. Wala naman akong alam d’yan eh.” sagot niya sa akin na nagbigay ng kakaibang kaba sa puso ko.Feeling ko ang bilis ng t*bok ng puso ko. Tapos nakatingin pa siya sa akin na hindi man lang kumukurap. Hanggang sa pareho kaming nagulat sa sunod na nangyari.Bigla na lang bumuhos ang ulan kaya naman tumakbo kaming dalawa papasok sa loob ng bahay ko. “Okay ka lang ba?” tanong ko sa kanya.“Mukha ba akong okay?” tanong niya sa akin habang hinuhubad ang coat niya.Masungit talaga ang lalaking ito. “Kukuha lang ako ng towel,” sabi ko na lang sa kanya at pumasok ako sa loob ng silid ko. Nabasa rin ang damit ko kaya naman balak ko na munang maligo. Pero naisip ko naman siya kaya lumabas na lang ako para ibigay sa kanya ang towel. Dahil kung maliligo ako ay matatagalan pa ako bago matapos. “Towel,” sabi ko sa kanya at inabot ko ito. Kinuha naman niya ito.Tumalikod na ako pero bigla naman siyang nagsalita.