KATHERINE
“Baliw ba siya?”
Hindi ko mapigilan na hindi itanong sa sarili ko nang makita ko si Lauren na sinisira ang gate ko. Mabilis akong lumabas ng bahay para puntahan siya.
“What do you think you’re doing?” tanong ko sa kanya.
“S–Sinisira ko,” sagot niya sa akin na halatang lasing siya.
“Bakit mo sinisira?”
“Wala lang gusto ko lang. Masama ba? Magsusumbong ka ba sa ex-husband mo? Edi magsumbong ka sa kanya! Wala akong pakialam!” sagot niya sa akin na patanong.
“Ano ba ang problema mo?”
“Problema ko? Ikaw, ikaw ang problema ko,” sagot niya sa akin.
“Tungkol ba ito sa mga halaman na binili mo?” tanong ko sa kanya.
“‘Yong halaman mo na namatay lahat? Tsk! Ang pangit ng mga halaman mo, nakailang bili na ako pero wala pa rin,” sabi niya kaya hindi ko alam kung masasaktan ba ako o hindi.
“Hayaan mo papalitan ko na lang ‘yon lahat. May puwede ba akong tawagan para magsundo sa ‘yo?” tanong ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya kayang magdrive.
“D–Dito ako matutulog,” sabi niya at pasuray-suray na naglalakad.
“Okay, mas mabuti pa nga siguro,” sabi ko na lang at inalalayan ko siya na makapasok sa loob ng bahay ko.
Maliit lang itong sofa kaya hindi siya kasya. Ako na lang ang matutulog dito at siya na lang ang matutulog sa loob ng room ko. Para naman maging komportable siya. Naiinis ba ako sa kanya dahil nandito siya? Hindi, kasi alam ko na sa edad niya ngayon ay mahilig pa talagang magpakalasing at mag-enjoy.
Ang hindi ko lang talaga alam ay kung bakit dito siya nakarating? Pero baka naman kasi mas malapit siya dito. Hayaan ko na lang siya dahil wala rin naman akong magagawa lalo na lasing na lasing siya.
Pinahiga ko na siya sa kama ko. Aalis na sana ako pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong hinila kaya napahiga na rin ako.
“Ang bango,” pabulong na sabi niya pero agad ko rin namang narinig ang mahina niyang paghilik.
Aalis sana ako pero kasi ang bigat niya. Hindi ko kaya dahil nakatanday sa akin ang legs niya. Ano ba ang gagawin ko? Paano ako makakaalis sa tabi niya? Hindi naman puwede na magkatabi kaming dalawa lalo na baka magulat pa siya bukas pag-gising niya na katabi niya ako.
Bahala na nga, napagod na ako sa kakasubok na makawala sa kanya. Sa laki niyang tao ay talaga namang nahihirapan ako makaalis. Bahala na siya dahil siya nga lang itong nakikitulog sa bahay ko.
Kahit na lasing ang lalaki na ito ay mabango pa rin talaga siya. Isa ito sa napansin ko sa kanya. Mabango talaga siya at magaling pumili ng pabango na babagay sa kanya. Hindi ko alam pero bigla ko na lang sinaway ang sarili ko dahil pinupuri ko siya.
Pero habang tumatagal ay parang tinatangay na ako ng antok sa mainit niyang bisig. Dagdagan pa nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Lately talaga ay nagiging maulan na naman. Pumikit na lang ako dahil ang medyo nilalamig ako. Hanggang sa hinayaan ko na ang sarili ko na tangayin ng antok.
*******
Nagising ako na ako na lang mag-isa dito sa higaan ko. At nagulat pa ako dahil nakaupo sa may single couch ko dito sa room ko si Lauren. Seryoso siyang nakatingin sa akin.
“H–Hindi ka pa umalis?” tanong ko sa kanya.
“Maulan,” suplado na sagot niya sa akin kaya ngayon ko pa lang napansin na malakas pa rin pala ang buhos ng ulan.
Hindi na lang ako nagsalita. Bumangon na lang ako. Naiilang pa ako dahil feeling ko na naka-sunod ang mga mata niya sa galaw ng katawan ko. Nang lumingon ako sa kanya ay busy naman siya sa phone niya. Kaya bigla akong nahiya dahil ang assuming ko.
“May masakit ba sa ‘yo? May gusto ka bang kainin? Baka kasi may hangover ka pa,” tanong ko sa kanya.
“I’m good, aalis rin ako kapag tumila na ang ulan,” malamig na sagot niya sa akin kaya ako naman itong nagtataka sa kanya.
Pero mas pinili ko na lang na manahimik at hindi na magsalita. Baka kasi masama lang ang gising niya o baka masakit ang ulo niya pero ayaw lang niyang sabihin sa akin. Pumunta na muna ako sa banyo para maghilamos at magsipilyo.
Paglabas ko ay nagulat ako dahil nandito na siya sa kusina at naghahanda na siyang magluto.
“Ako na d’yan, umupo ka na lang doon.” sabi ko sa kanya.
“Ako na,” sabi niya sa akin.
“Sure ka ba na ikaw na lang–”
“Mukha ba akong hindi marunong magluto?” tanong niya sa akin habang seryoso ang gwapo niyang mukha.
“Sige, bahala ka na kung gusto mo magluto.” sabi ko na lang at naglakad na ako papunta sa may sala para maglinis na lang.
Habang naglilinis ako ay pasimple ko siyang sinisilip at nakita ko na sobrang seryoso niya sa pagluluto niya. Masarap naman kaya ang luto niya kung ganyan na nakasimangot siya? Tanong ko na lang sa sarili ko.
Siya na nga itong nanira ng gate ko tapos ngayon ay siya pa ang galit. Naiinis ba siya sa akin? Baka may lihim na galit siya kaya niya sinira ang gate ko. Tapos ang babaw ng dahilan niya kung mga halaman lang naman.
Naalala ko bigla ang mga halaman ko kaya naman kahit na malakas ang ulan ay lumabas ako para ayusin sila. Sayang kasi kapag masira lang ang iba kaya ipapasok ko na lang muna sa loob ng maliit na green house dito.
Busy ako at nagmamadali ako pero nagulat ako dahil bigla na lang niya akong tinulungan. Bigla akong nag-alala sa kanya dahil basa na ang damit niya.
“Anong ginagawa mo?” tanong ko sa kanya.
“Tinutulungan ka,” sagot niya sa akin.
“Sana hindi ka na lumabas. Nabasa ka pa tuloy, wala ka pa namang damit na magagamit mo,” sabi ko sa kanya.
“May damit ako sa kotse,” sagot niya sa akin.
“Kahit na, baka magkasakit ka.”
Hindi siya nagsalita at mas pinili na lang niyang tulungan ako. Naging tahimik na rin ako para matapos na ito. At nang tuluyan na kaming matapos ay tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakatingin lang sa akin. Seryoso ang mukha niya.
“May problema ba? Tungkol ba sa halaman kaya ka galit sa akin?” tanong ko sa kanya. Pero nakatingin lang siya sa akin.
“Papalitan ko na lang ang mga ‘yo–”
“Bakit mahal mo pa ang governor na ‘yon?” tanong niya sa akin kaya biglang kumunot ang noo ko.
“Ha?”
“Sabi ko, bakit mahal mo pa ang ex-husband mo? Bakit hindi ka na lang humanap ng iba? Bakit siya pa rin? Ano ba ang mayroon sa kanya na hindi mo mahanap sa iba?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.
“Ano ba ang problema mo? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot dahil lumalapit siya sa akin.
Ako naman itong umaatras hanggang sa muntik na akong matumba pero mabilis niya akong hinila kaya napahawak ako sa dibdib niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hanggang sa…
THANK YOU PO SA LAHAT NG NAG-ADD SA STORY NA ITO. GOD BLESS PO!
KATHERINE“Ate, ako na po ang maghuhugas ng mga hugasin,” nakangisi na sabi ni Lauren na para bang inaasar pa niya ako.Kakatapos lang namin kumain na dalawa kaya naman ako na ang maghuhugas nito. Nakakahiya naman kung siya pa ang maghuhugas eh siya na ang nagluto.“Ako na, ikaw na nga ang nagluto eh,” sabi ko sa kanya.“Ako na po, ate.” Nakangisi pa rin na sabi niya.“Bakit ba ang kulit mo? Ang sabi ko ay ako na, kung ayaw mong makinig sa akin ay–”“Ang ingay mo talaga, ate.” sabi niya sa akin at pinatakan niya ng halik ang labi ko.“Tumigil ka nga! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa m–”“Hinahalikan ka,” nakangisi na sagot niya after niya ako ulit halikan sa labi.“Bakit ka ba panay halik? Alam mo ba na hindi tama itong ginagawa m—”“Ituro mo nga sa akin kung ano ba ang tamang paghalik,” nakangisi na sabi niya kaya ako itong maang na nakatingin sa kanya.“You’re unbelievable,” bulalas ko habang nakatingin ako sa gwapo niyang mukha na ngayon ay nakangiti.“Yes, at mas unbelievable pa an
KATHERINE“Kailangan pa ba kitang utusan na halikan rin ako?” Tanong niya sa akin na alam kong may kasamang utos.“Anong gagawin ko? Dapat ko bang sundin ang batang ito?” Tanong ko sa sarili.“Kiss me back, please.”Sh*t! May pa please pa siyang nalalaman pero mali ito. Hindi dapat ito nangyayari kaya naman mabilis ko siyang itinulak. Hindi dapat ako magpadala sa kanya. Hindi talaga dapat.“Tumigil ka nga! Ate mo na ako, kaya please lang tumigil ka,” sabi ko sa kanya.“Paano kung ayaw ko?”“Bakit ka ba ganyan?” Tanong ko sa kanya.“Bakit ako ganito? Dahil sa ‘yo,” sagot niya sa akin.“Ha? Bakit?”“Ilang taon ka na ba?” tanong niya sa akin.“42 na ako,” sagot ko sa kanya.“42 ka na pero manhid ka pa rin,” sabi niya sa akin kaya mas lalo akong naguluhan sa kanya.Hindi ko kasi talaga alam kung ano ba ang tinutukoy ng batang ito.“Ano ba ang ibig mong sabih–”Nagulat ako dahil muli na naman niya akong hinalikan sa labi na dahilan para manlaki na naman ang mga mata ko. Ano ba talaga ang gi
KATHERINE “Ano ba ang problema mo? Bakit ganyan ang mga tanong mo sa akin?” tanong ko sa kanya pero hindi naman siya sumagot dahil lumalapit siya sa akin. Ako naman itong umaatras hanggang sa muntik na akong matumba pero mabilis niya akong hinila kaya napahawak ako sa dibdib niya. Nagtagpo ang mga mata naming dalawa. Hanggang sa nagulat ako nang bigla na lang niya akong hinalikan sa labi. Feeling ko ay bigla na lang tumigil ang lahat ng nasa paligid kahit pa kaming dalawa lang naman ang nandito ngayon. Literal na lumaki ang mga mata ko sa pagkagulat. After ilang taon ay ngayon lang ulit ang may humalik sa akin. Hindi ko alam pero bakit may kakaibang bigay sa puso ko ang naging halik niya. Nang mahimasmasan ako ay mabilis ko siyang itinulak. “Ano bang ginagawa mo?” Tanong ko sa kanya. “Pinapa-tahimik lang kita dahil ang ingay mo,” sabi niya sa akin kaya buong pagtataka akong tumingin sa kanya. Kanina ay nagtatanong siya about kay Adam. Tapos ako ang maingay? Ako ba talaga? Ewan k
KATHERINE“Baliw ba siya?”Hindi ko mapigilan na hindi itanong sa sarili ko nang makita ko si Lauren na sinisira ang gate ko. Mabilis akong lumabas ng bahay para puntahan siya. “What do you think you’re doing?” tanong ko sa kanya.“S–Sinisira ko,” sagot niya sa akin na halatang lasing siya.“Bakit mo sinisira?”“Wala lang gusto ko lang. Masama ba? Magsusumbong ka ba sa ex-husband mo? Edi magsumbong ka sa kanya! Wala akong pakialam!” sagot niya sa akin na patanong.“Ano ba ang problema mo?”“Problema ko? Ikaw, ikaw ang problema ko,” sagot niya sa akin.“Tungkol ba ito sa mga halaman na binili mo?” tanong ko sa kanya.“‘Yong halaman mo na namatay lahat? Tsk! Ang pangit ng mga halaman mo, nakailang bili na ako pero wala pa rin,” sabi niya kaya hindi ko alam kung masasaktan ba ako o hindi.“Hayaan mo papalitan ko na lang ‘yon lahat. May puwede ba akong tawagan para magsundo sa ‘yo?” tanong ko sa kanya dahil alam ko naman na hindi niya kayang magdrive.“D–Dito ako matutulog,” sabi niya at
KATHERINE“Matanda na ako para mag-asawa pa ulit. Saka walang lalaki ang gustong—”“Paano naman kung mayroon,” sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.“Mauna na ako sa ‘yo,” sabi ko sa kanya at tumalikod na ako dahil tapos na akong magbayad ng mga binili ko.Ayaw ko kasi na nag-uusap kami ng ganito sa harap ng ibang tao. Lalo na matanda na ako. Ayaw ko ng ganito kaming dalawa at nag-uusap ng tungkol sa personal kong buhay eh hindi naman kami close.“Ihahatid na kita,” sabi niya at bigla na lang niyang kinuha sa kamay ko ang bitbit kong grocery.“Baka may ibang lakad ka pa. Okay lang ako,” sabi ko sa kanya.“Wala na akong pupuntahan. Ihahatid muna kita sa bahay mo bago ako uuwi,” sabi niya sa akin.“Okay lang ba sa ‘yo?” tanong ko sa kanya.“Okay na okay,” nakangiti na sagot niya sa akin.“Sige, ikaw ang bahala.” sabi ko sa kanya at hinayaan ko na lang siya.Sa parking lot na kami pumunta na dalawa. Kahit pa may hawak siya ay pinagbuksan niya pa rin ako ng pinto ng kotse. Gentleman tala
KATHERINEDahil ang katabi ko ngayon ay si Lauren..“Bakit ka nandito?” tanong ko sa kanya.“Bakit, bawal ba akong manood ng sine?” tanong niya sa akin at lumingon siya kaya sobrang lapit ng mukha naming dalawa.Hindi ko alam pero bigla na lang akong napalunok ng wala sa oras. Paano ba naman kasi ang bango ng lalaking ito. Tapos ang gwapo pa niya. Pero kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil nakakahiya itong ginagawa ko. Umiwas na ako ng tingin sa kanya at muli na lang akong tumingin sa screen. Ayaw ko naman na isipin niya na pinagbabawalan ko siya dito ngayon. Dahil hindi naman ako ang may-ari ng sinehan. Nakikinood lang rin naman ako. Baka nga ganito rin ang mga trip niya. “Maganda ba?” tanong niya pero hindi ko alam kung sino ba ang kinakausap niya. “Snob naman,” sabi niya kaya lumingon ulit ako sa kanya.“Ako ba ang kausap mo?” tanong ko sa kanya.“May iba pa ba akong kilala dito maliban sa ‘yo?” tanong niya.“Ano ba ang maganda–”“Ikaw,” sagot niya kaya biglang kumuno ang no