Hindi lang basta binangga ni Leah si Clarissa. Ito ay sinadya—may bigat, may diin, at may pahiwatig.Nang lingunin siya ni Clarissa, hindi pa rin ito nag-abot ng kahit anong sorry o bahagyang pag-aalala. Sa halip, mariing kumurba ang mga labi niya sa isang mapanghamak na ngiti—isang ngiting punong-puno ng pagmamataas.Isang ngiting may tinatagong tagumpay.“Oops,” bulong niya sa sariling isip, “‘Di ka pa rin marunong umatras, Clarissa? Well, let’s see kung matapang ka pa mamaya.”Sa bawat hakbang papunta sa conference room, tumitibok ang dibdib ni Leah—hindi dahil sa kaba, kundi sa kasabikang manalo.Sa loob ng kaniyang bag, mahigpit niyang pinanghahawakan ang USB drive. Laman nito ang proposal ni Clarissa—na pinasa niya sa sarili niyang pangalan."This is it. Ako na ‘to,” bulong niya habang hinihimas ang zipper ng bag. “Kapag nailatag ko na ’tong presentation na ’to, tapos na ang laro. Ako na ang bida.”Ang mga mata niya ay hindi lang basta nananabik—kumikislap sa kasakiman.“
Baca selengkapnya