"You think too much. I'm just really busy with work these days."Mahinang sabi ni Clarissa, pilit ang kalmadong tono habang iniwasan ang mga mata ni Luis. Hindi niya kayang masulyapan ang lalaking tila unti-unti na niyang hindi kilala. At hindi rin niya kayang ipakitang may bumabagabag sa kaniya.Naglakad siya palayo, diretso sa hallway. Gusto lang niyang pumasok sa banyo, magbanlaw ng araw, at limutin kahit panandalian ang lahat. Pero bago pa siya makalayo, hinawakan ni Luis ang kanyang braso—marahan pero may diin.“Clarissa,” mahinang tawag nito, puno ng tanong at pag-aalala. “Wait.”Huminto siya, pero hindi agad tumingin.“Let me go, please. I just want to take a shower,” mahinang sabi ni Clarissa.Hindi siya agad binitawan ni Luis. Hindi rin ito nagmadaling magsalita. Tinitigan lang siya nito—matalim pero hindi galit, banayad pero may bigat.“Clarissa,” ulit nito, mas malumanay ngayon. “Is there something I should know?”Napakagat-labi si Clarissa. Napatingin siya saglit sa
Read more