Kahit na tutol si Aila, wala na siyang nagawa pa kundi ang magmaneho papunta sa academy ni Zendaya. "What if magsumbong si Zendaya sa Daddy niya, Laureen. He will probably send you to jail again," puno ng pag-aalala na wika ni Aila habang nasa labas sila ng academy."I'll assure you na hindi mangyayari yan. Basta galingan mo lang ang pag-acting. Bring Zendaya here at ako na ang bahala."Bumuntong hininga si Aila at lumabas na ng kanyang sasakyan. Kinalabahan man, nilakasan niya ang kanyang loob at nilapitan ang guard."Excuse me, Kuya, nandiyan pa ba sa loob si Zendaya Samaniego?" Kabado niyang tanong.Tiningnan ng guard si Aila mula ulo hanggang paa. "Sino po sila."Agad niyang inilabas ang kanyang ID at ipinakita sa lalaki. "Kaibigan po ako ni Cyanelle Samaniego at ako ang inatasan nila na magsusundo sa kanya dahil abala si Cyan ngayon."Sinipat ng guard ang kanyang identified card bago ito muling nagsalita. "Pasensya na po kayo, Ma'am Aila pero apat na tao lang po ang maaaring mags
Last Updated : 2025-11-06 Read more